Tony, nagpa-bagets para kay Herlene!

Magkasama ngayon sa GMA ang mag-amang sina Boom Labrusca at Tony Labrusca. Ang una, kasama sa cast ng Lolong: Bayani ng Bayan at ang huli ay isa sa leading man ni Herlene Budol sa Binibining Marikit. Kaya, natanong si Tony kung okay ba sa kanya na magkasama sila sa project? “Oo nga, nasa Lolong siya. If magkasama kami, ano kaya ang magiging role namin? Magkapatid?” sagot ni Tony.
Wala raw isyu sakaling magkasama sila dahil okay silang dalawa. Lagi raw silang magkausap sa text, wala lang silang time magkita. Nagkasama na sila sa La Luna Sanggre, pero magkaiba ng unit kaya hindi sila nagkita.
Maganda nga kung pagsamahin ang mag-ama at gusto ito ni Boom na sa mediacon ng Lolong nagpahayag na sana lagi siyang makasama sa mga project ni Ruru Madrid. Si Tony naman, ayaw pang isipin ang pagkakaroon ng next project sa GMA dahil focus muna siya sa Binibining Marikit. “Focus muna ako rito and I promise I’ll do my best. Masaya ako lahat sila mabait sa akin, they are not treating me an outsider. I’m very grateful to be in the cast and be playing Drew. Mga role na binibigay sa akin dati, lawyer, tatay ako, sira-ulo. First time na bagets ang role ko. kaya masaya ako,” wika ni Tony.
Sa Monday na, Feb. 10, 2:30 p.m. ang premiere ng Binibining Marikit. Si Jorron Lee Monroy ang director ng series.
Igan, sabik sa bagets musical!
Isa sa na-excite sa balitang magkakaroon ng Bagets: The Musical ay si Arnold Clavio, kalalabas lang ng balita sa The Philippine STAR, agad nag-post sa Instagram si Igan. Pinost nito ang poster ng pelikulang Bagets na pinagbidahan nina Aga Muhlach, Raymond Lauchengco, William Martinez, JC Bonin, at Herbert Bautista.
Sa caption ni Igan na “EHEM: Wow! BAGETS the musical... yes!!! @viva_films @philippinestar Looking forward.”
Siguradong hindi lang si Igan ang excited na mapanood bilang musical ang iconic movie ng Viva Films sa direction ni Maryo J. delos Reyes. Ang mga Del Rosario ng Viva at mga Belmonte ng PhilSTAR ang magko-collab to produce the musical.
Masaya ito, ngayon pa lang, naghuhulaan na kung sino ang bubuo sa cast ng musical. Bakit may feeling kami na makakasama si Sam Concepcion sa cast ng musical?
Kami, looking forward sa music dahil maganda ang OST ng movie at hanggang ngayon nga, marami pa rin ang nakakaalala at kinakanta pa rin.
Cassy at Jillian, inisnab ang birthday ni Michael!
Nag-birthday si Michael Sager sa All-Out Sundays last Sunday at parehong wala ang diumano’y real GF nitong si Cassy Legaspi at ang ka-love team na si Jillian Ward sa My Ilonggo Girl.
Hinanap ng fans ang dalawang Kapuso aktres. Nasaan daw sina Cassy at Jillian? Oo nga naman, bakit hindi guest si Cassy sa birthday ni Michael at bakit wala rin si Jillian?
Anyway, kahit wala sila, masaya pa ring isinelebreyt ni Michael ang kanyang birthday. With the success of MIG, siguro naman may kasunod siyang project sa GMA 7, si Jillian man o hindi ang kapareha.
- Latest