^

Pang Movies

Kiray, pakakasal na!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kiray, pakakasal na!
Kiray Celis at Stephan Estopia

Ready na kaya si Kiray Celis na magpakasal sa boyfriend niyang si Stephan Estopia? “Siya po gustung-gusto na niya and I think kaya kong ibigay ang sagot this year, tingnan natin gugulatin ko na lang kayo!

“Actually sabi ko nga sa five years namin, bago pa kami mag-isang taon, tinatanong na niya ako kasi sabi ko nga, lagi kong pinagmamalaki na hindi pala sa tagal ng panahon na nakilala mo ang isang tao na masasabi mo ito na ‘yung papakasalan mo.

“Minsan kung sino pa ‘yung maikli mong kakilala ay kasal na agad. ‘Di ba may mga moment na ganun... Totoo pala talaga ‘yun, ganun kami,” sey ni Kiray.

Inaasikaso rin ni Kiray ang kanyang pagiging businesswoman sa beauty and wellness industry. “Ang dami ko ring ginagawa ngayon. Ito muna siguro unahin tapos next na ‘yung sa amin ni Stephan. Gusto ko na rin magkaroon ng pamilya.

“Kinukulit na rin po ako ni mama na, ‘Kailan ka magkaka-baby?’ Kasi parang nagwo-worry na rin kasi magthi-31 na ako this year. Tanong niya, ‘Uy kailan ka magkaka-baby? Kailan mo ako bibigyan ng apo?’ Kasi nga favorite ko ‘yung mga pamangkin ko eh... So let’s see.”

Singer na si Matt Lozano, nag-ibang tao sa depresyon

Ibinahagi ng Kapuso actor na si Matt Lozano ang pinag­daanan niyang depresyon at kung paano nito nalampasan.

Kuwento ni Matt, nangyari ang lahat noong kapapanalo pa lang niya sa singing contest ng isang noontime show. “That time, I was the grand winner of Spogify. Four months straight may mga prod kami tapos biglang nawala. Pumupunta kami sa studio, nandun kami, tapos waiting, tapos hindi na kami nakukunan. Nalungkot ako dun,” pagbahagi niya.

Bumigat umano ang timbang niya ng panahong iyon. At bagama’t nag-audition siya para sa ibang proyekto, pero bigo rin siyang makuha. “Magulo, sobrang gulo ng utak ko nu’n. Feeling ko walang nagsu-support sa ‘kin, feeling ko basta nag-ibang tao ako,” paglalahad niya.

Ayon pa sa kanya, nagmamaneho siya minsan sa bilis na 100 kilometers per hour at pumasok sa isip niya na wakasan na ang lahat. Pero bigla raw niya nakita ang isang simbahan at nag-park siya sa tapat nito

“Nagdarasal ako, nag-s-sorry ako, ‘Bakit ganito ‘yung iniisip ko, anong nangyayari, bakit ko tatapusin ‘yung something great na binigay sa ‘kin?,’” ayon kay Matt.

“Nung nakauwi ako, the next day, tinanong ko si God, sabi ko, ‘Bakit mo sa ‘kin binigay ‘tong talento na ‘to kung sasayangin ko lang?’ So, ngayon ‘yung ginawa ko wala nang kumukuha sa ‘kin sa showbiz, no problem.’ Kinuha ko ‘yung gitara ko.”

Napapanood ngayon si Matt sa Kapuso afternoon series na Forever Young, at Bubble Gang.

KIRAY CELIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with