^

Pang Movies

Rhen, tigil na sa paghuhubad

Salve V. Asis - Pang-masa
Rhen, tigil na sa paghuhubad
Rhen

MANILA, Philippines — Pahinga muna sa paghuhubad at love scenes ang Viva star na si Rhen Escaño.

Pa-wholesome siya sa Lumuhod ka sa Lupa na napapanood sa TV5 at soon, mananakot siya sa pelikula.

Yup, break muna siya sa daring scenes at ini-enjoy niya ito. Tho wise si Rhen na kung kailangan at makabuluhan daw ang proyekto, game naman siya.

Matagal nang alaga ng Viva Artist Agency (VAA) headed by Ms. Veronique del Rosario si Rhen kung saan nag-umpisa siya sa pelikulang Adan (2019).

Pero in fairness kay Rhen, wala siyang retoke. Naisip niya raw noon na magpaayos ng boobs pero hindi natuloy. “Honestly, kasi before ako nag-start sa Viva tinanong ako ng mga boss ko at nandoon si Tita Aster (Amoyo-co manager) kung ano ang gusto kong ipagawa at sinabi ko boobs po,” diretso niyang sagot sa tanong kung may niretoke ba sa katawan niya nung mag-renew siya ng contract sa CC6 Online Casino at FunBingo.

“Ang ending wala akong napagawa kasi ayaw nila (Viva bosses), weird!  Pero lagi ko naman sinasabi na open naman ako. Ang pina-enhance ko ay ‘tong ngipin ko, ginawang vinyl para ‘yung visual niya ay mapahaba ang mukha ko and ‘yung mga tao akala nila nagbago ang mukha ko,” pagdedetalye pa ni Rhen.

Uso kasi ngayon ang body enhancement dahil mabilis na ang proseso. Na kahit mga beauty queen like Michelle Dee, Celeste Cortesi, at Miss Universe 2018 Catriona Gray may ipinaayos sa katawan, at maging si Heart Evangelista ay umaming nagpaa­yos ng labi.

“Honestly napakagagandang mga babae na ito at kung iyon ang way nila para masabi nila sa sarili nila na maganda sila, self-love, self-care at ‘yun ang way nila then why not, pera n’yo (bashers) ba ‘yun?  Katawan n’yo ba ‘yun?  Kung doon sila masaya at hangga’t wala silang inaapakang tao at walang nasasaktan, out tayo diyan kung doon sila masaya,” opinyon ng sexy star tungkol sa ordinary thing na lang ngayon ang pagpaparetoke.

“Itong mga taong ‘to, gusto lang naman nila ng enhancement anong masama ro’n?  For me, go kung self-love at kung makaka-inspire ka, mabu-boost ‘yung confidence mo, why not? Ina-admire ko ‘tong mga babaeng ‘to hindi nila deserve ma-bash,” dagdag pa niya.

Samantala, attached si Rhen sa pagiging ambassador ng CC6 Online Casino at FunBingo.

Kamakailan ay bumisita sila at nagbigay ng tulong sa mga inabusong kabataang babae sa Bulacan, kung saan ipinagdiwang ni Rhen ang kanyang birthday upang personal na ipakita ang kanyang pangako sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Aniya, masarap ang pakiramdam na hindi lang ito basta laro, meron silang charity component.

Susog ni Rhen “Hindi lang gaming ang aming focus – layunin din naming tumulong sa mas nangangailangan. Sa mahigit isang taon, marami na kaming naisagawang community projects sa iba’t ibang lugar.”

At ang advantage raw ng sexy star, magiliw sa tao, hindi umaarte kahit nasa liblib na lugar at laging attentive sa mga hinaing ng mga nangangailangan na pinupuntahan nila kahit na sa mga bundok.

Kabilang sa napuntahan na nila ang mga katutubong estudyante na Aeta sa Bataan, upang maipagpatuloy nila ang kanilang edukasyon.

Nagsagawa na rin sila ng tree planting sa Rizal, Antipolo, upang makatulong sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang CC6 Online Casino, na may 700,000 daily active users, ay kinilala bilang trusted casino. Samantala, ang FunBingo, na may 40,000 daily users, ay ginawaran ng service dahil sa patuloy nitong adbokasiya sa pagtulong.

RHEN ESCAñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with