^

Pang Movies

Darryl Yap, umatras na sa pagpapalabas ng Pepsi Paloma movie

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Darryl Yap, umatras na sa pagpapalabas ng Pepsi Paloma movie
Darryl Yap

Parang na-afraid na rin si Darryl Yap sa kanyang kontrobersyal na pelikulang The ­Rapists of Pepsi Paloma dahil hindi tuloy ang showing nito bukas, February 5, matapos umanong mabigo ang kanyang production team na matugunan ang mga requirement  na itinakda ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) bago ito palabas.

“Ipinapaabot ko sa lahat ng nakasubaybay na bigo po ang panig ng inyong lingkod na agarang makumpleto ang mga dokumentong hinihingi ng mga pamunuan ng MTRCB. Kaya’t imposible pong maipalabas sa mga sinehan ang ating pelikula sa February 5,” sabi niya sa isang Facebook post kahapon.

Pero isinasaalang-alang din naman daw nila ang posibilidad na i-premiere ito sa ibang bansa o ipagpaliban ang pagpapalabas nito at sa halip ay sa streaming platform na lang.

Sa isang statement last week, sinabi ng Movie and Television Review and Classification Board Chair Lala Sotto na ang pelikulang Pepsi Paloma ay hindi nila nire-review dahil sa hindi kumpletong dokumento contrary sa naunang pahayag ng direktor.

Liza, tsinugi na sina James at Issa sa mga pina-follow

Damay na raw kaya si Liza Soberano sa problema ni James Reid at ng diumano’y karelasyon nito na dating business partner ni James, si Jeffrey Oh?

Si Jeffrey Oh ang naging business partner ni James sa Careless Management Group na nag-manage noon kay Liza kung saan inamin ni James na may hinahabol silang pera rito. “My legal team is still trying to get in touch to resolve a lot of issues. But honestly, I don’t even care. I’m just happy he’s gone,” pahayag ni James sa aming interview last December.

“I wouldn’t say exactly a scam. It’s more complicated than that. But yeah, it’s more complicated than that,” sagot kung na-scam ba siya.

Walang binanggit na amount si James that time, pero diumano’y mahigit P100 million ang nawala sa actor.

Nabanggit niya noon na nanatili rin daw silang magkaibigan ni Liza.

“Yeah, you know, there’s no bad blood or anything. It’s amazing what she’s doing. You know, maybe pushing for her dreams in Hollywood.”

Anyway, pinag-usapan lang ito ng ibang netizens kahapon dahil nag-unfollow na si Liza kina James at Issa Pressman. Pero nanatili namang naka-follow ang magka-relasyon kay Liza.

Base sa post ni Liza, kasalukuyan siyang nasa Manila.

Kim, nagpasalamat, fans ng Meteor Garden nagluluksa, Shan Cai namatay sa edad na 48

Kabilang sa na-shock sa pagkamatay ni SanChai, Barbie Hsu sa totoong buhay, si Kim Chiu.

Inaalala niya sa isang post kung paano niya kinabaliwan ang Meteor Garden.

“OMG!!!!!! naalala ko after school magmamadali ako umuwi para mapanood lang ang meteor garden, pag di ko na maabutan makikinood ako sa karinderya sa labas ng school namin. OMG!!!! I love you SanChai!!!! May you rest in peace! Thank you sa makulay namin childhood. Pigtail braids!”

Sa totoo lang, bago sumikat ang Korean drama sa Pinoy fans, nabaliw na ang karamihan sa grupong F4 (Jerry Yan, Vanness Wu, Ken Chu, and Vic Chou).

Sa ABS-CBN noong napapanood ang Meteor Garden.

Hindi siya makakalimutan ng 90s babies, nung simple pa ang buhay at wala pang bashers at pino-problema lang ay ang panonood ng TV.

Anyway, shocked nga ang Pinoy fans sa pagpanaw ng Taiwanese actress na si Barbie Hsu o mas kilalang Shan Cai sa series na Meteor Garden sa edad na 48 dahil sa pneumonia.

Kagagaling lang daw ng pamilya nito sa Japan nang magkaroon ito ng ubo na nauwi sa pneumonia sanhi ng pagkamatay nito.

buhay mayeenka daw...

Vice, may ipong panlaban sa mga nega

Manyeeka si Vice Ganda sa kanyang Sunday post na ang mantra ay dapat maging masaya sa buhay, iwasan at iwanan ang kahit anong problema.

Lalo na raw sa kasalukuyan na hindi lahat positibo ang sitwasyon kaya kailangan meron kang sapat na positivity sa iyong puso, sa katawan, para masabayan at malampasan lahat ng uri ng kanegahan sa araw-araw.

At sa lahat ng ito, aminado si Vice na kailangan niya ng lakas upang maalagaan niya ang sarili.

Kaya seryoso para sa kanya ang regular health check-ups, self-care, at ang pag-maintain ng positibong pag-iisip.

“Sabi ko nga, for me, loving for more, should be everyone’s mantra. I believe it should be everyone’s inspiration, to life for more. Kasi we were all born to live for more. Hindi tayo pinanganak para magmukhang kawawa. Hindi tayo pinanganak para mapagkaitan. Hindi tayo pinanganak para hindi ma-enjoy ang buhay.

“Because life offers a lot of endless and limitless surprises, and possibilities everyday. At pinangako `yan ng Diyos sa akin. Napakaganda ng creations ng Panginoon, so bakit natin ide-deprive ang sarili natin, to live for more, to experience more, to enjoy more. That’s what life is all about,” mahaba-habang pahayag ni Vice nang ipakilala siyang pinakabagong ambassador ng Sante Barley.

At dito nga ay naikuwento rin ni Vice ang araw-araw niyang pakikipaglaban, o pinagdaraanan na problema na paggising pa lang sa umaga ay kailangan na niyang harapin ‘yun. “So, kahit ang daming privileges, opportunities na dumarating sa buhay ko, sa karera ko, kung hindi ako physically fit, kung hindi ko kayang humarap sa hamon ng mga trabaho ko, hindi ko magagawa at maa-achieve ang marami ko pang pinapangarap na mapagtagumpayan sa buhay.

“So sa tulong nito, nagiging maayos ang katawan ko, upang mas humaba pa ang lakas ko araw-araw. Kasi ngayon, ang stress level natin ang taas-taas. Tapos ang 24 hours natin, mabilis nauubos, at minsan mas nauuna pang maubos ang lakas natin. Eh, hindi puwedeng mangyari `yon. Kailangan meron tayong sapat na lakas.

“At yun nga, natulungan ako nito sa problema ko sa constipation. Problema ko yan noon pa. Masarap kasi sa umaga na alam mong magaan ang pakiramdam mo, nailabas mo ang mga toxins mo.

“Ako kasi, paggising ko sa umaga, diretso comfort room na ako, naliligo na ako, nagtu-toothbrush. At ‘yun ang madalas na nami-miss ko, kasi nga constipated ako. Pero dahil nga dito, nari-release ko na ang mga toxins ko. At napakamahalaga sa akin na masimulan ang umaga ko na magaan ang pakiramdam ko.

“Kasi I feel good about myself, kasi `yun ang gustong makita sa akin ng viewers ko. Gusto kong makapagpasaya. At hindi ako makakapagpasaya kung mabigat ang pakiramdam ko. Ganun kasi ako araw-araw, na diretso rin ako sa salamin, na kakausapin ko ang sarili ko, at sinasabi ko sa kanya na, ‘napakasuwerte natin, pinagpala tayo, magpapasalamat tayo sa Diyos, at today marami pa tayong biyayang tatanggapin’.

“At ‘yun ang healthy life, yung being able to live a life full of gratitude, full of happiness. Marami tayong isyu, marami tayong kinaiinisan everyday. Pero dapat hindi niya ma-invalidate kung ano ang magaganda, yung beauty around us,” mahaba pang kuwento ni Vice na ang tinutukoy nga na malaking tulong sa kanya ay ang bago niyang endorsement na Santé Barley, na isang certified organic ng BioGro New Zealand.

Kaya naman pahayag ng CEO ng kumpanya na si Mr. Joey Marcelo.  “His ability to thrive in all aspects of his career while inspiring others at the same time makes him the perfect partner for our mission of helping Filipinos #LiveForMore,” sabi pa ni Mr. Joey.

Sabagay, healthy mind and body na lang ang kailangan ni Vice dahil sa kanyang tagumpay sa live concerts at comedy; pelikula; musika; telebisyon; at sa kanyang mga adbokasiya. May asawa pa siya.

Kumbaga, ang pagiging healthy ang kailangan para tuloy ang kaligayahan niya.

DARRYL YAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with