^

Pang Movies

Yasmien, pumalag sa mga magulang ng nam-bully sa anak!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Yasmien, pumalag sa mga magulang ng nam-bully sa anak!
Yasmien Kurdi at pamilya

Ibinahagi ng aktres na si Yasmien Kurdi ang pambu-bully sa panganay nilang anak ni Rey Soldevilla na si Ayesha.

Tinarget daw ito ng grupo ng mga estudyante sa klase nila dahil hindi raw ito maka-keep up sa group messages tungkol sa darating na Christmas party nila habang nasa ibang bansa sila.

Pinalibutan daw ito ng pito hanggang siyam na estudyante at hinarang sa paglabas ng classroom at hindi pinakain noong recess. Pinagkaisahan daw ito.

Nagbakasyon daw ito para mabawasan ang stress matapos ito ma-harass sa pamamagitan ng pagkuha ng video nang wala niyang pahintulot. Nagkaroon daw ito ng paranoia at anxiety.

Bata lang ang anak nila at kaka-12 years old lamang daw nito pero nararanasan nito ang pambu-bully ng mga kaklase niya since grade 2.

Ang nakakaalarma pa raw ay ginawan pa ito ng AYESHA HATE CLUB online at ang iba raw roon ay kaklase niya.

To the rescue pa raw ang mga magulang ng mga bully na ito at binaligtad pa raw ang nangyari at sinabing regular student meeting lang iyon. Kinuwestyon pa raw ang behavior ni Ayesha.

At matapang pa raw ang nanay ng bully at napamura pa ang aktres dahil may pa-back off pa raw iyon. Makapal daw talaga ang mukha at hindi na lamang humingi ng tawad. Meron pa raw nag-heart ng post niya pero involved din daw pala ang anak.

Humingi naman ng tawad si Yasmien sa anak sa nararanasan nito dahil nanay siya nito.

Mukhang inggit daw ang dahilan ng pambu-bully kay Ayesha ng mga kaklase nito dahil celebrity ang mommy nito.

‘Kaloka.

YASMIEN KURDI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with