^

Pang Movies

GMA, istrikto sa promo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Binibira nila ang GMA dahil daw sa pagli-limit noon sa mag pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival para sa promotion ng mga pelikula. 

Eh ngayon ang mga producer, ayaw nang magbayad ng trailer, ang gusto nila ay libreng promo. Kagaya rin ng ayaw na nilang magbayad ng advertisement sa diyaryo, kasi nakakalusot naman ang kanilang press release, at saka mas gusto nila sa social media platforms.

Pero pansinin ninyo napakahaba na ng slump sa pelikulang Pilipino simula nang umasa sila sa social media. Ayaw nilang magbayad ng ads eh.

Isa pa, ang GMA ay producer din ng pelikula, natural bakit sila magpo-promote ng kalaban ng pelikula nila? Hindi lang naman ang GMA ang ganyan, maski na iyong ABS-CBN din noong araw. Kasi bakit ninyo pinapayagan iyang TV networks na mag-produce rin ng pelikula na isasali sa festival? Natural kokontrolin nila ang promo sa sarili nilang network.

Pagpatol ng ibang artista sa bading, lantaran na!

May isa pang factor, sinasabi nila na nabawasan na ang paghanga ng fans ngayon sa mga artista. Papaano ngang hindi eh ang lumalabas, marami sa kanila ay hindi naman kahanga-hanga talaga. 

Kasabihan nga noong araw, at totoo naman hanggang ngayon, basta ang isang artista ay naghubad na, pababa na ang career niyan. Hindi pa man sumisikat laos na, naghubad na eh. 

Eh ngayon naghuhubaran na silang lahat.

Si Vilma Santos, ang tagal bago nakumbinsing gawin ang Burlesk Queen at hindi pa todong hubad iyon ha. Si Nora Aunor ba naghubad sa pelikula? At sino naman ang kukumbinsi kay Nora na maghubad? 

May artista kaming kilala noong araw, saksakan talaga ng landi, pero sa harap ng publiko parang hindi makabasag pinggan, kasi kung lalabas ang totoo na haliparot siya, sino ang hahanga sa kanya?

Totoo ang sinasabi ni direk Joel Lamangan, panahon pa ni kopong kopong may mga artista nang pumapatol sa bakla. Pero lihim na lihim iyon dahil sa palagay ng marami abnormal pa rin ang pagpatol sa bakla at lalo na nga kung sasabihin na ang artista mismo ay bakla.

Ngayon hindi na ganoon eh, hayagan na ang pagpatol at pagiging bakla. 

Kaya ngayon tingnan ninyo, gaano lang kaikli ang itinatagal ng career ng isang artista? Sisikat lang sandali tapos ay laos na. 

GMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with