Mestisang aktres, tinapatan ang pinamigay ng dating aktres
Matatalas ang mata at utak ng print media lalo na sa pinamimigay na regalo ng showbiz personalities at iba pang personalidad na nagbibigay ng regalo sa kanila.
May napansin ang media sa regalong ipinamimigay ng isang tisay na aktres. Isang Christmas basket ito na imported goods ang laman.
Eh pamilyar ang basket dahil ganito rin ang pinamigay ng retired na aktres na may magandang mukha, huh! That was the time na may boyfriend itong mayaman at influential na negosyante!
So nag-one plus one ang media sa nakita. Parang ang mestisang aktres na ang bagong girl ng negosyante, huh! Eh wala na rin kasing boyfriend si mestisa at hindi na visible si magandang aktres with the businessman kaya ang hula ng media eh si mestisang aktres na nga ang bagong karomansa ng negosyante, huh!
F to F party, normal na ulit
Ginawa nang face to face ang annual Christmas party with entertainment media ng GMA Network last Tuesday sa Studio 7.
Simple lang ang party kumpara siyempre noon.
Of course, maraming native food ang inihain, may balut, bibingka at puto bumbong and beers and bottles of wine hanggang sa matapos ang kasiyahan!
Good thing, hindi naman kami umuwing luhaan! Pero ‘yung hindi nabunot sa raffle eh may door prize namang ibinigay!
- Latest