^

Pang Movies

Rufa Mae, wagas kung murahin ng asawa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Rufa Mae, wagas kung murahin ng asawa
Rufa Mae Quinto

Mga payo kay Rufa Mae Quinto patungkol sa husband niyang si Trevor Magallanes ang mababasang comment sa Instagram niya. Mga payo gaya ng kung ganoon din lang ang ugali ng asawa niya, hiwalayan na niya. May nagbanggit pang ang sama ng bibig ng kanyang asawa at minura siya online.

May mga nagpayo pa kay Rufa Mae ng “Be strong. Don’t let any man talk to you that way, even if he is the father of your child.” May dumagdag pang comment na hindi na ginalang ni Trevor ang nanay ng anak niya dahil sa pinakawalang F word. Tapos, tinawag pa nitong b*tc* si Rufa Mae.

May nagpayo pa sa kanya na maging strong for her daughter at suportado nila anuman ang maging desisyon nito. May nagtanong pa kung bakit sumabay si Trevor ngayong may kinakaharap siyang kaso?

Mas maganda naman ang comment ng ibang netizens na ipinagdadasal nilang maayos ang problema ng mag-asawa. Pero, kung hindi, sana maging maayos ang kanilang paghihiwalay at hindi sila online nag-aaway.

Ang good news, kahit may problema sa kanyang married life at sa Dermacare si Rufa Mae, nagawa pa ring magbiro. Sinagot nito ng heart emoji ang supporters niya lalo na ‘yung mga nag-comment na lumaban siya at ‘wag magpapaapi sa kanyang asawa.

Ryle, nasa GMA na

Sa mga bagong pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist, may former Viva artist at may dating Kapamilya talent. Ang tinukoy naming galing Viva ay si Ronnie Liang na isang singer-actor, pilot at  reservist.

Dating Kapamilya naman si Ryle Santiago na anak ni Sherilyn Reyes at former member ng grupong Hashtag.

Balik-Kapuso naman si Gian Magdangal na hindi naman maalala ang former manager. Wish ng fans, isama siya sa All-Out Sundays dahil magaling siyang singer.

Kapuso na sina Arthur Solinap at Carlo Gonzalez. Former Kapuso rin si Michael Flores at ngayon lang pumirma sa talent arm ng GMA.

Si Jay Ortega ay kasama na rin sa cast ng Binibining Marikit na pinagbibidahan ni Herlene Budol.

Lifestyle content creator at socialite si Cat Arambulo at friend siya ni Marian Rivera. Si Renee Dominique naman ay singer at TikTok star.

Archie, itinanggi ang mga demanda

Nag-submit na ng counter affidavit si Archie Alemania sa isinampang Act of Lasciviousness sa kanya ni Rita Daniela. Sa Bacoor Hall of Justice nag-submit ng counter affidavit si Archie kasama ang kanyang lawyer na si Atty. Amir Muksan.

Ayon sa report ni Oscar Oida sa 24 Oras, nakasaad sa counter affidavit ni Archie ang pagtanggi sa inihaing reklamo ni Rita. Magsa-submit naman ng kanyang sagot sa counter affidavit ni Archie si Rita sa Dec. 17, pero hindi pa rin magkikita ang dalawa.

Ayon sa lawyer ni Rita na si Atty. Maggie Garduque, iniiwasan nyang magkita ang dalawa dahil hindi pa rin okay ang singer-actress, may trauma pa rin daw ito dahil sa nangyari. Bilang pangalagaan na rin ang mental health nito, kaya hindi puwedeng magkita ang nagreklamo at ang inirereklamo.

Paano kaya ‘pag inutos ng piskalya na magkita ang dalawa? O, kaya’y dinidinig na ang kaso nila na kailangan present sila? Maging ready kaya si Rita to face Archie?

RUFA MAE QUINTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with