^

Pang Movies

Acting ni Tony, hindi napansin!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Acting ni Tony, hindi napansin!
Tony ­Labrusca

Ngayong araw na ito ang last day ng Sinag Maynila. Sayang dahil magaganda ang review ng mga kritiko sa mga pelikulang kasali, at maaaring mapanood ng P200 lang sa mga sinehan. Pero dahil walang masyadong malalaking artista ang kasali, hindi masyadong tinao ang ilang sinehan ng pinapalabasan ng mga kasa­ling pelikula.

Ang mura sana ng bayad, makakadalawang sine ka na sa presyo lamang ng isa.

Hindi na kasi nawala ang “stigma” basta sinabing indie ang pelikula. Kasalanan din naman ng mga unang gumawa ng indie films. Noon, napakaliliit ng budget ng pelikula at pilit nilang pinagkakasya lalo na ng mga baguhang direktor basta makatapos lamang at matawag na “direk.”

Kaya pati ang ibang indie filmfest, hindi malaki ang mga kinikita.

Lumulusot lamang sila kung sa Internet streaming ipalalabas ang kanilang mga pelikula at kung mahalay ang tema.

Hindi naman ubra ang mahalay na pelikula sa mga sinehan natin. Bukod sa MTRCB, ang SM na siyng may pinakamalaking sirkito ng sinehan sa buong bansa ay hindi naglalabas ng pelikulang mahalay, at iyong mga indie, next to impossible sa kanila dahil tiyak lugi ang sinehan.

Kagaya ngayon, bukod sa medyo kumita raw ang  pelikula na ang bida ay si Tony ­Labrusca na may following naman, at sinasabing naghubad daw ito sa pelikulang iyon, hindi naman napanood sa malalaking sinehan.

Kaya ang ending, iilan lang din ang nakapanood.

Kasali ang nasabing pelikula ni Tony na ang pamagat ay What You Did.

Pinag-usapan pang baka manalo siyang best actor.

Pero sadly ay talo siya.

Kahit na sabihin mong minor festival lang ang Sinag Maynila, sayang din at hindi siya nanalo.

Anyway, patuloy ko talagang ipagdarasal na makabangon ang pelikulang Pilipino.

Carlos, babalik na sa training

Hindi pa rin natitigil ang pagpapalitan ng talak sa social media, pero nag-eenjoy na ulit si Carlos Yulo kasama ang syota niyang si Chloe sa Paris para sumama sa grupo ng mga atletang Pilipino roon na kasali sa Paralympics. Tapos tutuloy na raw si Carlos sa kanyang training bilang paghahanda sa susunod niyang Olympics.

Alam niyang kailangan niyang maghanda dahil kung ayos ang kanyang record ay hindi naman tatalab sa kanya ang diumano’y sumpang gagapang siya sa lupa at hindi na mananalo.

Minabuti na siguro ni Carlos na ipagpaliban ang pakikipag-usap niya sa kanyang pamilya, lalo’t hindi naman niya itinago na masama pa ang loob niya sa kanyang ina.

Tiyak naman iyon, may mga nanghihinayang sa ibibigay sanang limang milyong piso ni Chavit Singson kung magkakasundo ang kanilang pamilya.  Hindi ba puwedeng magkasundo muna para makuha lang ang limang milyon at tapos bahala na sila?

Eh ayaw naman siguro ni Carlos ng ganung drama, after all hindi naman niya kailangan ‘yun dahil marami siyang pera sa kasalukuyan. Hindi naman siya magugutom dahil ilang restaurants nga ba iyong puwede siyang kumain nang libre habang buhay?

May maganda na siyang condo, may bahay pa sa Batangas at may bahay pang isa sa Tagaytay ba iyon?

Hindi na niya kailangan ng bahay na matitirahan. Hindi na siya kailangang umuwi sa Leverisa. Wala na rin siyang pakialam kung mabenta man ang bahay nila sa Cavite. Sinabi naman niyang wala na siyang hahabuling iba pa eh. Basta iyong pera niya ngayon siya na ang magtatago para sigurado siya.

Mas mabuti nga siguro na mamuhay muna sila nang kanya-kanya hanggang may samaan pa ng loob at saka na sila mag-usap kung hupa na ang galit sa dibdib nila.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with