^

Pang Movies

Sergio Mendez, naging mabait sa Pinoy fans

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nalungkot kami nang mabungaran namin kaninang umaga na namatay na ang composer at musician na si Sergio Mendez noong Sept. 6 sa edad na 83 sa Los Angeles. California.

Hindi Pilipino si Sergio, isa siyang Brazilian pero hindi namin maikakaila na naging bahagi siya ng aming kabataan, ang kanyang mga musika ang uso noong aming panahon. Iyon ang panahong sumikat iyong Samba na isang katutubong sayaw sa Brazil.

Ilang taon na ang nakararaan, dumating sa Pilipinas si Sergio Mendez, at nagkaroon siya ng performance sa Aliw Theater. Hindi namin pinalampas iyon.

At napakabait ni Sergio Mendez sa Filipino fans niya, tapos na ang concert pero dahil nag-request pa ang audience ng ilang kanta, pinagbigyan iyon ni Sergio na hindi karaniwang ginagawa ng foreign artists. Ang foreign artists, basta tapos na ang kanilang repertoire, maaaring may isa silang encore number pero iyon na iyon. Si Sergio nagbigay pa ng ilang kanta na obviously unrehearsed dahil hinanap pa ng musicians ang kanilang music sheets mula sa kanilang bags.

Ex-produ ng EB, bubuhayin ang negosyo

May announcement ang Tape Inc., magbabalik daw sila sa content production at online rin. Bubuksan din daw nila ang itinatag na nila noong talent management arm. Sinabi ng kanilang chairman na si Romeo Jalosjos Sr. na may inayos lang sila sa management ng kumpanya kaya sila pansamantalang tumigil, pero ngayon daw sa loob ng ilang buwan ay babalik na sila bilang isang production company.  

Kung natatandaan ninyo ang Tape Inc. ang tumayong producer ng Eat Bulaga nang mara­ming taon, hanggang sa magkaroon nga sila ng problema at umalis sa kanila ang TVJ at ang buong Dabarkads.

Pero siguro hindi na sila papasok sa isa pang noontime variety show sa kanilang pagbalik. Maaaring mag-produce silang muli ng mga drama gaya rin ng ginawa nila noong araw at mag-blocktime na muli sa ibang istasyon.

Sa takbo ng usapan, mukhang si Romy Jalosjos na muli ang magpapatakbo ng kumpanya. Si Jalosjos ang kinikilalang big man sa television sales kahit na noong araw, at iyang mga sumikat ngayon sa sales, lahat naman halos ay natuto lamang sa kanya.

Heart, ‘di kinayang agawan ng korona

Nanguna si Heart Evangelista sa listahan ng mga tinawag na Asia’s Most Stylish. Tinawag din siyang Philippines’ Queen of Fashion.

Totoo naman dahil ang Pilipinas ay naki­lala sa fashion sa buong mundo simula nang pasukin ni Heart maging ang pagiging modelo sa abroad. Noon marami rin namang magagaling na modelong Pilipino, pero wala isa man sa kanila na nakapasok sa fashion shows sa abroad, si Heart ang nagbukas ng pinto para sa mga Pilipino na maging endorser pa ng mga top European designers at maging products.

Hanggang ngayon kinikilala pa rin si Heart bilang isa sa pinaka-effective na influencer sa Paris fashion, na siyang kinikilalang fashion capital ng mundo.

Elvis, gustong kausapin ang misis na namatay

Inalala ni Elvis Gutierrez at ng buong pamilya nila ang ika-40 araw ng kamatayan ng kanyang asawang si Alexa.

Gusto raw niyang makausap ang misis at kamustahin ito. Sana raw ay naririnig siya nito tuwing kinakausap niya ito.

Matagal ding nakipaglaban si Alexa sa leukemia hanggang sa bumigay na nga rin noong bandang huli.

Naiwan ni Alexa ang dalawa nilang anak ni Elvis.

Richard, nilinaw ang X...

Nilinaw ni Richard Reynoso na board member ng MTRCB at siyang namuno sa second review ng pelikulang Dear Satan na nagkasundo silang bigyan iyon ng pangalawang X rating hindi lamang dahil sa titulo ng pelikula kundi sa kabuuan ng presentasyon nito.

Pero bagama’t sinabi na nilang iyon ang final decision, maaari pang umapela ang pelikula sa board en banc kung saan iyon ay panonoorin ng lahat ng board members nang sabay-sabay.

Kung ang desisyon ng board en banc ay X pa rin, maaari pa silang umapela sa appeals committee sa tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, kung saan ang undersecretaries ng Defense, Education at Justice ang gagawa ng desisyon para sa Pangulo at ang magiging final ang kanilang desisyon.

vuukle comment

SERGIO MENDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with