Mga milyones na tatanggapin ni Caloy, pinag-uusapan hanggang abroad
Hanggang sa abroad pala ay pinag-uusapan ang mga premyong tatanggapin ni Carlos Yulo sa pagbabalik niya sa Pilipinas, na uwi ang dalawang medalyang ginto.
Nagulat sila pati sa alok ng isang buffet restaurant na libreng pagkain sa habang buhay ng Olympian. Hindi lamang para kay Yulo kundi ganoon din sa iba pang Pilipino na mag-uuwi rin ng medalya.
Hindi kasi ganoon ang treatment sa ibang bansa ng mga atletang nanalo ng medalya. Mayroon din naman silang natatanggap na incentives pero hindi kagaya ng ibibigay natin, na mayroon pang bahay at lupa at may condo pa.
Ang dami ring magbibigay ng cash rewards at tiyak na mas malaki ang kita sa mga gagawin niyang commercial endorsements.
Malaki na nga ang kaibahan ng buhay ng mga atleta sa ngayon. Noong araw iyon lamang gumawa sila ng commercial endorsements na walang clearance mula sa kanilang national sports associations at sa PAAF, maaari na silang masuspinde. Kahit na sa Olympics, napakahigpit ang kanilang amateur rules noong araw.
Ni hindi ka maaaring tumanggap ng pemyo lalo na nga at pera matapos na ikaw ay manalo sa kahit na anong event dahil sinasabi nilang oras na tumanggap ka ng bayad, kahit na anong liit ay sisira na sa iyong amateur status.
Pero ngayon tanggap na nilang para ang isang atleta ay makapagsanay nang husto, kailangang magkaroon din sila ng pagkakakitaan. Kaya nga mayroon nang subsidy.
Sandro, may mga dapat linawin!
Dumalo sa pagdinig ng senado ang dalawang independent contractors na sina Richard Dode Cruz at Jojo Nones, pero mahigpit nilang pinasinungalingan ang akusasyon ng panghahalay na isinumbong ni Sandro Muhlach.
Sinabi rin ng dalawa na napakasakit para sa kanila ang nababasa nilang bakla sila at kung anu-ano pang ibinibintang sa kanila. Sa bandang huli tila kinumbinsi pa nila si Sandro Muhlach, na “magsabi ng totoo” at sabihing hindi siya hinalay ng dalawa.
Ang susunod na tanong ano naman kaya ang posibleng motibo ni Sandro para ilagay sa kahihiyan ang kanyang sarili at sabihing siya ay hinalay ng mga bakla.
Bakit noong unang malaman nila ang panghahalay ay sinasabing nanginginig si Sandro habang ikinukuwento ang nangyari sa kanya?
Bakit lumalabas sa pagsusuri ng mga behavioural experts na si Sandro ay dumaranas ng trauma? Bakit sinabi ni Senador Bong Revilla na noong una niyang makaharap si Sandro nang humingi ng tulong sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin ay “nanginginig iyong bata”?
Madaling gumawa ng kasinungalingan pero linawin natin, bakit apektado ang psychological conditions ni Sandro?
- Latest