^

Pang Movies

Ka-tie si Gabby Padilla...Marian, first time naka-best actress

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ka-tie si Gabby Padilla...Marian, first time naka-best actress
Dingdong Dantes at Marian Rivera

Double celebration ang 40th birthday ni Marian Rivera.

Nanalong best actress si Marian sa katatapos na Cinemalaya Independent Film Festival para sa pelikulang Balota.

Naka-tie niya si Gabby Padilla ng pelikulang Kono Basho.

Ito ang first major award ng misis ni Dingdong Dantes na nagkataong birthday pa niya.

Kaya naman over the moon ang actress.

“Nakuha ko ang aking unang acting award sa edad na forty.

“Isang bagay na akala ko’y hindi ko na magagawa. Posible pa pala.

“Pero higit sa award, ang regalong natanggap ko ay ang muling pagliyab ng aking pagmamahal sa paggawa ng pelikula, dahil sa inspirasyong ibinigay sa akin ng Cinemalaya community. Isa itong makabuluhang chapter sa buhay ko na hinding-hindi ko malilimutan,” umpisa ng post niya kahapon.

“At ito ay naging posible dahil sa mga tao na tumulong sa akin.

“Kay Direk Mike Tuviera, aking manager, na sinigurong wala na akong iba pang iisipin para magampanan ko ang role na si Teacher Emmy. Coach, salamat sa walang sawang paggabay.

“Sa GMA, sa pamumuno ni Ms. Cheryl Ching-Sy, salamat sa tiwala at sa pagbukas ng pinto para pasukin ko ang Cinemalaya.

“Sa mga kasama kong bumubuo ng Balota, sa napakahusay na cast, staff, crew, team Marian at creatives—hanga ako sa inyo, dahil ramdam ko ang tindi ng pagmamahal ninyo sa paggawa ng mga kuwentong may saysay.

“Sa aking pamilya, higit lalo sa aking kabiyak, salamat sa suporta mong buong-buo. Simula’t sapul ay nariyan ka para bigyan ako ng lakas.

“Higit sa lahat, kay Direk Kip. Isinilang mo ang karakter ni Teacher Emmy. Pinagkatiwala mo sa akin, at kasama mo, tayong dalawa ang humubog sa kaniyang malakas na boses. Salamat, at dahil sa karakter na ito, naiparating mo ang mahalagang mensahe ng pelikula sa mga manonood, at iyon ay ipinagpapasalamat ko nang may kasamang pagpupuri sa iyong talento.

“Salamat LORD walang hanggang pasasalamat sayo!” buong post ng bagong waging Best Actress na bukod sa best actress trophy ay ang Balota rin ang number 1 sa box office sa mga pelikulang napanood sa Cinemalaya 2024.

Anyway, si Gabby ay mas kilala naman sa Indie film community at inaasahang magkakaroon na rin ng mainstream projects.

Mon Confiado, kinasuhan ang content creator

Hindi pinalampas ng actor na si Mon Confiado ang isang content creator na sinira ang kanyang pangalan sa isang post.

Dumulog siya sa NBI at kinasuhan niya ang nasabong content creator na nakita niya sa isang supermarket pero pinalabas siyang walang hiya.

Kaya naman, tinuluyan niya ito.

Umpisa ni Mon: “Dear Mr. Jeff Leanneroie Bonilla Jacinto alias ILEIAD

“Nawa’y maging aral sa iyo ito at sa ating lahat. Na ang paggamit ng pangalan at larawan ng walang pahintulot ay krimen. Na hindi lahat ng jokes ay nakakatawa at hindi lahat ng jokes ay para sa lahat. Dapat sana ang joke ay nakakapagpasaya at hindi nakakasira ng tao.

“Mr. Jeff Jacinto alias ILEIAD,

“Ako ay isang tahimik na tao. Never na nasangkot sa kahit isa o anumang mang gulo sa buong buhay ko. Wala ako ni isang kaaway o nakaaway man lang. Ako ay tahimik na nagtratrabaho lamang bilang aktor. At bilang aktor, ang aking pangalan ay aking pinagkaka ingat-ingatan dahil ito ang aking puhunan para ako ay makakuha ng trabaho. Ngunit ako ay nagulat dahil biglang direktang ginamit mo ang aking pangalan at larawan ng walang pasintabi sa isang joke na tinatawag niyong “copypasta”.”

Dagdag pa niya : “Ang problema… kahit ito ay isang joke o “meme” lamang, hindi pamilyar ang lahat ng tao dito at ito ay ipinost mo sa “Facebook”. At alam mo naman ang mga tao ay napakadaling maniwala sa mga ganyang posts. Siyempre ang ilan dyan ay maniniwala at ire-repost agad dahil katulad mo ay gusto lang din makakuha ng mga likes kahit may masagasaan. Ako ay may mga ginagawang pelikula, may mga endorsements at may on-going na transaction para maging “brand ambassador” ng isang produkto. Paano kung dahil sa maling pagkakaintindi sa joke mo ay maapektuhan ang aking mga trabaho? Dapat ba ay tumahimik lang ako? Dapat ba ako pa ang mag adjust at pabayaan ko na lang at huwag na ako mag react?

“Mr. Jeff Jacinto, uulitin ko, ako ay nananahimik at ginulo mo. Pero nung nag comment ako sa post mo at sa messenger mo, sinabihan mo pa ako ng “is this a threat”? Hindi mo pa din ito tinanggal hanggang kinabukasan ng gabi. Oo. Nagpublic apology ka kunwari later on pero sarcastic at hindi sincere. At wala ni katiting na pagsisisi at proud ka pa sa ginawa mo. At ginagawa niyo pa akong katatawanan ng mga followers mo. At ngayon ikaw na ang biktima at ako na ang masama.

“Ngayon, Mr. Jeff Jacinto alias ILEIAD. Gusto kong ipaalam sa iyo na ang inihain kong kaso sa NBI ay HINDI JOKE. Ito ay TOTOO. Seseryohin natin ito para maging aral sa ating lahat. I’m looking forward to personally meet you in court Mr. Jeff Jacinto. God Speed.”

Ayan kasi ngayon lahat content creator ang pakilala.

May nakita lang na isang artista, nagpapanggap na agad na creator sa social media.

Minsan kahit wala sa katwiran ang ibang content creator, talagang nilalaban nila.

Basehan sa reklamo ni Sandro hawak ng mga senador; dalawang akusado deny to death

Sa kabila ng denial, naniniwala pala ang mga senador na bumubuo sa Senate Committee on Public Information and Mass Media na may sapat na basehan para kasuhan ang dalawang inireklamo ni Sandro Muhlach sa pang-aabusong sekswal.

Ano kaya ang magiging ending ng kontrobersyang ito?

Trending nga si Sandro kahapon dahil sa nasabing senate hearing na dinaluhan ng mga akusado na sina Jojo Nones at Richard ‘Dode’ Cruz.

Todo tanggi ang mga nasabing akusado nang humarap sila sa senado.

Itinatanggi nila ang lahat na mga ibinibintang sa kanilang dalawa.  Pahayag ni Richard Cruz: “Sa pagkakataong ito sa harap n’yong lahat, mariin po naming itinatanggi ang lahat na mapanirang akusasyon na ito laban sa amin.

“Kami po ay hindi executives ng GMA Network tulad ng mga lumalabas. Taliwas sa sinasabi sa online, wala po kaming kapangyarihan or impluwensya sa network, lalung-lalo na sa mga artistang ito.”

Naging emotional naman si Jojo sa kanyang mga pahayag: “Hindi naman po namin itinatangging bakla kami. Sa katunayan ang pagiging bakla namin ay isa sa mga dahilan kaya kami naging creative, artistic at nagkaroon ng skills na kailangan sa industriya.

“Buong buhay namin ginamit ang pagiging bakla namin sa maayos na paraan para maitaguyod namin ang aming mga pamilya. Kaya napakasakit sa amin at sa aming pamilya na nababasa ang aming mga pangalan online na may aksyon na bakla at kung anu-anong masakit at mapanirang puri na bansag at deskripsyon.

“Bakla po kami, oo, pero hindi po kami mga abuser.

“Bakla kami, oo pero hindi kami gumagawa ng masama sa kapwa.

“Bakla kami, oo, at may takot po kami sa Diyos.”

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with