^

Pang Movies

GF ni Caloy, nanapaw!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
GF ni Caloy, nanapaw!
Allen at Carlos
STAR/File

Magtatapos na sa araw na ito ng Lunes, Aug. 12, 2024, ang 2024 Summer Olympic Games in Paris, France with the United States leading the number of medals and athletes with 593, hinding-hindi naman ito makakalimutan ng Pilipinas at ng buong sambayanang Pilipino na nakapag-uwi ng dalawang back-to-back gold medals courtesy of multi-medalist na si Carlos Yulo at dalawang bronze medals sa nagmula sa dalawa nating women boxers na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio.

Ang mga atletang Pinoy who represented the 2024 Paris Olympic ay nakatakdang dumating sa araw ng Miyerkules, Aug. 14, at didiretso ang lahat sa Philippine International Convention Center (PICC) na susundan ng grand heroes’ parade na pangungunahan mismo ni Carlos Yulo at magtatapos sa Malacañang kung saan naghihintay si Pangulong Ferdinand ‘Bong-Bong’ Marcos, Jr. and a welcome dinner for the two-back-to-back gold Olympics meda­list na si Carlos and his party.

Sana lang, Salve A., ay bigyan din ng pagkilala ang underdog Filipino coach niya na si Allen Aldrin Castañeda sa halip na ang girlfriend ng multi-medalist gymnast dahil mas malaki ang naging papel ng personal coach niya sa pagkakapanalo nito ng back-to-back gold win (for the Philippines) sa nagtapos na 2024 Summer Olympics in Paris, France kesa kanyang girlfriend na mahilig umagaw ng spotlight ng kanyang boyfriend. Malaki rin ang naging papel ng dating Japanese coach niya na si Munehiro Kugi­yama sa narating ng Filipino multi-award-winning gymnast.

Boyet at Vilma, wagi ng Lifetime Achievement sa Amerika

This is the very first time na ibabalita namin na magkakasamang tatanggap ng Lifetime Achievement Award sa America ang Star for All Seasons, award-winning actress at dating politician na si Vilma Santos, ang multi award-winning dramatic king na si Christopher de Leon at ang award-winning actress and host, dating President and CEO ng ABS-CBN and film producer na si Charo Santos ang paparangalan ng ikalawang taon ng Manila International Film Festival (MIFF) na nakatakdang ganapin sa Beverly Hillton in Beverly Hills, California on Feb. 3, 2025.

Although hindi pa kumpirmado, they’re looking at Dingdong Dantes and hopefully, multi-Emmy award-winning news anchor and host Cher Calvin to host the awards night na inaasahang dadaluhan ng malalaking personalidad hindi lamang sa Pilipinas kundi maging ng Filipino celebrities na sa Amerika na naka-base.

Ang ikalawang taon ng MIFF na pinamumunuan sa Amerika ng Chairman na si Omen Ortiz looks forward to a bigger and better MIFF presentation lalupa’t ika-50th year ito ng Metro Manila Film Festival sa Pilipinas kung saan sampung piling-piling mga pelikula ang kalahok na ang lima rito ay naihayag na sa publiko earlier.

Ang dating manager at half-sister ni Martin Nievera na si Gina Tabuena-Godinez ay kasama na sa mga Board of Directors ng MIFF at siya umanong mangangasiwa ng buong production ng 2nd MIFF.

Mother Lily, mahirap pantayan

Alam mo, Salve A., tiyak na mag-iiba na ang landscape ng Philippine cinema sa pagpanaw ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.

In her over five decades in the industry, mahirap nang mapantayan at malagpasan ang achievements at ang kanyang naging kontribusyon nung siya’y nabubuhay pa.

Mother Lily as she was fondly called by everyone was her own persona na mahirap na ma-duplicate ninuman.

Napakaraming unknown personalities ang kanyang binigyan ng break, pinasikat be it sa production side o maging ng mga baguhang artista na nangangarap lamang noon na makapasok sa industriya.

Nagluluksa ang buong industriya sa pagkawala niya who touched almost everybody’s lives in one way or the other.

Athough patuloy ang Regal Entertainment (dating Regal Films) sa pagpu-produce ng mga pelikula sa pamamagitan ng isa sa mga anak ni Mother Lily na si Roselle Monteverde, kakaiba ang ‘touch’ ni Mother Lily na kahit kailan ay hindi na madu-duplicate ninuman at kailanman.

Nagpaalam man siya, iniwan niya ang kanyang kakaibang legacy sa industriyang sobra niyang minahal at pinagsilbihan ng ilang dekada.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with