^

Pang Movies

Batas sa sexual harassment, palalakasin

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukhang lumalala yata ang usapan tungkol sa sexual harassment. Uminit ang ulo ni Senador Jinggoy Estrada sa sulat ng dalawang suspect sa kaso ni Sandro Muhlach. Naging mas mahinahon naman si Sen. Robin Padilla nang pakiusapan ang GMA 7 representative na si Atty. Annette Gozon-Valdes na kausapin ang dalawa na humarap sa senado dahil hindi biru-biro ang nangyaring sexual harassment kung totoo nga iyon.

Bagama’t umiiwas si Gozon sa sinasabi ni Robin bandang huli ay nagsabi siyang titingnan niya kung ano ang kanilang magagawa. Ayon naman sa kinatawan ng DOLE, ang GMA ay may code of conduct na sinusunod at wala namang ibang reklamo sa kanila. Kasabay noon nagsabi naman si Niño Muhlach at ang kanilang abogado na hindi sila naghahabol laban sa GMA 7 kundi sa dalawa lamang na akusado.

Samantala, kailangan talaga ang isang mas mahigpit na batas para matuldukan na ang mga sexual harassment na iyan hindi lang dahil kay Sandro Muhlach kundi sa iba pang hindi na nakapagreklamo at sa maaa­ring maging biktima nito.

MVP, all the way kay Carlos

Pag-uwi sa Pilipinas ng two time gold medalist sa Paris Olympics na si Caloy Yulo tiyak na mas mapapanood ang maraming exclusives sa kanya sa TV5. Iyon ay dahil ang TV5 chairman na si Manny Pangilinan ang isa sa mga naging pinakamala­king supporter at nagtiwala kay Caloy. Nagpatayo pa si Pangilinan ng Manuel V Pangilinan Sports Foundation Gymnastics Center sa Intramuros para makapagsanay ang gymnasts na Pilipino para sa mga international competition.

So far iyan na yata ang pinakamalaking suporta na nakuha ng gymnastics sa Pilipinas na simula pa noong una ay nakikisingit lamang sa mga bakanteng gym sa Rizal Memorial.

Wala halos suporta ang gymnastics sa ating bansa, salamat na lang kay MVP na nakasuporta sa ngayon sa kanila bagama’t ang hawak niya ay ang Samahang Basketbolista ng Pilipinas. Ang TV5 rin naman ang nagbibigay ng parehas na coverage sa lahat ng sports events sa bansa.

Tiyak na may magpaparinig na naman diyang ibang networks pero nagbigay ba sila ng suporta kay Yulo bago siya nakakuha ng dalawang ginto? Noong manalo na lamang si Yulo at saka sila nag-ingay eh. Eh ang TV5 talagang nakasuporta sa simula’t simula pa.

Singaporean influencer, guilty sa sexual scam!

Nagpalabas ng statement ang ABS-CBN na huwag kakagat sa scam ng mga taong nagpapanggap na sila si Direk Laurenti Dyogi at direk Jun Lana, na kumukumbinsi pa sa mga mag-au-audition na gumawa ng sex video.

Nagsimula pala iyan sa kaso ni Raymond Bagatsing na kinausap sa pamamagitan ng chat ng nagpakilalang si direk Lauren Dyogi.

Sinabi raw kay Raymond na naghahanap si direk Jun Lana ng isang artistang lalaki para sa isang pelikulang gagawin para sa festival sa Tokyo, ibinigay raw sa kanya ang isang number na diumano ay numero ng telepono ni direk Jun Lana.

Hindi ba ganyan din ang nangyari sa Singaporean influencer na si Titus Low na kumalat ang sex videos dahil naloko siya at ipinagbili iyon. Nakuha ng mga menor de edad, kaya nahuli siya at nakulong ng tatlong linggo bukod pa sa multang tatlong libong dolyar.

Kaya mag-iingat kayo, huwag hubad nang hubad sa internet. Baka ma-scam lang kayo at malaking kahihiyan pa ang mararanasan ninyo.

vuukle comment

SANDRO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with