^

Pang Movies

Julia at Gerald, pinag-iisipang ikinasal sa abroad

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Julia at Gerald, pinag-iisipang ikinasal sa abroad
Julia at Gerald

Sina Gerald Anderson at Julia Barretto ang duda ng netizens na tinutukoy sa isang blind item na lumabas tungkol sa magdyowang nagpakasal sa ibang bansa.

Usap-usap sa social media forum na Reddit ang blind item na lumabas tungkol sa isang magdyowa na parehong successful ang showbiz career at ready nang lumagay sa tahimik.

Ang aktor daw ay may mga negosyo nang naipundar bilang paghahanda nga sa future ng kanyang magiging pamilya.

Ayon pa sa BI, gwapo ang aktor kaya naman hindi ito nawawalan ng karelasyon. Pero simula nang maging girlfriend nito si girl ay tumino ito at wala nang na-link na iba pang babae.

Almost perfect daw ang relasyon ng dalawa at laging nagsusuportahan sa kanilang sa mga ginagawa bawat isa. Maging ang pamilya raw nila ay tanggap ang isa’t isa.

Kaya naman nagpakasal na raw nang lihim ang dalawa sa ibang bansa kamakailan.

Dahil sa clues na nasa blind item, isang netizen ang nag-post sa Reddit at aniya, sina Julia at Gerald daw ang tinutukoy sa artikulo at nagpakasal na raw ang dalawa sa US.

Nagsipag-react naman ang fans sa post at marami ang sumegunda na sina Gerald at Julia nga ang blind item.

“Kaya pala kasama ni Julia Barretto buong family last US trip nila ni Gerald. Congratulations kung totoo!!! At least sa US, may divorce, char!!!,” sey naman ng isa pa na parang showbiz authority ang dating.

May mga nagsabi namang mukhang hindi ang JuRald ito dahil medyo malabo ang clues.

Rufa Mae, ginawang comedy ang tribute

Hinaluan ng pagpapatawa ni Rufa Mae Quinto ang kanyang tribute para sa pumanaw na film icon na si Mother Lily Monteverde kaya naman super laugh din ang netizens na nakabasa nito.

Narito ang buong mensahe ni Peachy (tawag kay Rufa Mae) kay Mother Lily na ipinost niya sa kanyang Instagram.

“Mother Lily, Regal films , her family.I love them so much. Thanks for all the nice movie projects you gave me . I’m so happy to be a regal baby

“My deepest sympathy and condolences to Monteverdi family.

“Mahal ko kayo. Mother lily and husband Rest in peace .

“I miss you, I will always remember the trust , opportunity,love and laughter you gave me in Regal films , I love you #motherlily and @roselle_monteverde (when I saw you in the hotel lobby of GMA Gala night last month , I am so happy and know there’s always a reason why things happened, happenings the beginning of a new life !

“Mother, No no no! I wanna say don’t leave us but gotta go go go! Go go gone!”

Sa comment section ay tawang-tawa ang netizens at sey nila, very Rufa Mae ang mensahe.

Si Ruffa Gutierrez naman ay nag-react ng smiling face with heart eyes emojis. May nagsabi ring pati raw si Mother Lily ay tiyak na natatawa sa mensahe ng sexy comedienne.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with