Elijah, araw-araw kinakausap ang nawalang kapatid
Nakaka-touch naman ang sinulat na letter ng aktor na si Elijah Canlas para sa nakababatang kapatid na pumanaw na si JM.
Isang taon na mula nang mamatay ito at ipinost ni Elijah ang mga litrato nila na magkasamang kumakain sa isang park.
Kahit na isang taon pa nga lang daw mula nang mawala ito ay “it already feels like forever.”
Isang taon na raw mula nang makatanggap siya ng “worst phone call ever” at lagi raw niya itong naiisip at nami-miss. Araw-araw pa rin daw niya itong kinakausap at hinahanap.
Binalikan niya ang mga alaala ng kapatid at hinding-hindi raw ito makakalimutan.
Minsan naiisip daw niyang nawalan ng kahulugan ang buhay nang mawala ito.
“I’m still so sorry about how things ended. I sometimes think life has lost all its meaning when you passed away. But we manage to find and give life different meanings each day to carry on. You’ll always be at the core of it though. Never forgotten.”
Tinapos naman niya ang mensahe para sa kapatid ng “sana’y lagi kang payapa at maligaya, kulit. miss na miss at mahal na mahal ka ni kuya. mahal na mahal na mahal ka namin. habang buhay. habambuhay.”
Maaalalang August nung nakaraang taon nang mawala ito sa edad na 17. Walang binigay na detalye ang pamilya sa pagpanaw nito pero sinabi nila na hindi naging madali ang pinagdaanan nito sa kanyang mental health.
Nakilala sila JM sa mga pelikulang Kiko Boksingero at ANi.
Naging voice actor din ito ang naging parte ng Tagalog dub ng Stranger Things, Home Alone, Coco at iba pa.
- Latest