^

Pang Movies

Jolina nag-trending, fans nasaktan sa 3-second exposure sa comeback teleserye 

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Jolina nag-trending, fans nasaktan sa 3-second exposure sa comeback teleserye 
Jolina Magdangal 

Irespeto si Jolina Magdangal.

Ayan ang hirit ng fans niya kahapon matapos lumabas ang trailer ng teleseryeng Lavender Fields na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales and Janine Gutierrez.

Binilang nilang 3 seconds lang ang exposure ni Jolina sa nasabing trailer na supposedly ay comeback teleserye ni Jolens ito after a decade.

Hindi raw nirespeto ang status ni Jolens sa industriya kaya trending agad.

Wala pa namang imik dito si Jolina.

Baka naman sa trailer lang maiksi ang role ni Jolens pero sa totoong version ay mahaba na parang assistant ng character ni Janine Gutierrez.

Nanay ni Carlos, nanghingi ng tawad; tatay inaming sa looban pa rin sila nakatira at nagco-commute lang

Sana nga ay matapos na ang kontrobersya sa mag-inang Angelica at Carlos Yulo.

Nag-presscon nga ang ina ng two-time gold medalist sa Paris Olympics kasama ang abogadong si Atty. Raymond Fortun na kilalang abogado de campanilla at mahal mag-charge sa mga kliyente. Pero diniin nitong libre siya at hindi nagpabayad sa pamilya Yulo.

At dito nga ay nanghingi na ng tawad ang ina ng pamilya Yulo “Hindi kailangan ng ibang tao na malaman ang mga alitan dahil hindi nila alam ang buong kuwento at hindi nila ito lubos na nauunawan. Gayunpaman, humihingi ako ng patawad sa iyo at sa sambayanan sa mga nasabi ko sa interview. Pagod at puyat ako sa kapapanood sa iyo nung mga panahon na ‘yun, ‘di makatulog sa tuwa at kahit tapos na ang iyong laban. Hindi ako makapag-isip nang mabuti nung nirapido ako ng mga tanong ng mga reporter tungkol sa mga bagay na dapat ay tayo na lamang ang nag-ayos. Patawad anak,” pahayag ni Angelica Yulo sa isang presscon kahapon na naka-live sa ilang social media account ng news agencies.

Sinabi naman ng ama ng mahusay na gymnast na hindi nila ginalaw ang pera ni Carlos.

“P6M pa lang ‘yung pera niya, then naging P11M. Hindi naubos ‘yun. Bakit namin nanakawin ‘yan.

 “Kung nasa amin ‘yung pera, sana umalis  na kami sa looban. Sana may mga account na kami, may kotse na kami. Wala nga kami, nagco-commute lang kami.

 “Ano ‘yung social media e, ‘yung mga nagco-comment, lalong pinapalala e. Nagbabago lang ‘yun ano. Kaya nga hindi na ‘yan nakatulog e. Ayoko na mag-Facebook. Nakadalawang gold tayo, tapos ganyan!” himutok ng ama ni Carlos na si Mark Andrew Yulo.

Sad na walang kotse at nasa looban nakatira ang kanilang pamilya.

Sana naman ay bigyan ng share ni Carlos ang pamilya sa mga naghihintay na incentives sa kanya pagbalik ng bansa.

Respeto na lang sana sa ina. Dahil kung wala naman siya, wala si Carlos at hindi ito mananalo ng dalawang gold sa Paris Olympic at walang magiging boyfriend si Chloe San Jose na isang social media influencer.

Produ ng Mallari, sumubok sa Cinemalaya

Simple lang ang kwento ng pelikulang Kono Basho pero may kurot sa puso. Tungkol ito sa magkapatid na nagkita lang sa burol ng kanilang ama sa Japan. Pero may kailangan silang ayusin sa mga alaala at pinagdaanan ng bawat isa.

Mahusay ang mga bidang sina Arisa Nakano at Gabby Padilla, at maganda talaga ang Japan, maging ang mga lugar na tinamaan ng tsunami.

Magaganda ang mga kuha, at kapuri-puri ang cinematography.

Marami ring mga Japanese actor na kasama sa Kono Basho na sinulat at dinirek ni Jaime Pacena II.

Totoo, ibang-iba ito sa naunang prinoduce ng isa sa mga producer ng pelikula na si Mr. Bryan Dy.

“Talagang ibang direction ito, kasi I’m trying to understand na parang dalawa ‘yung lagi nilang sinasabi, parang sinasabi nilang art film. Pasensyahan ninyo na po ako sa pagiging ignorante po dahil baguhan po ako sa industriya, talagang I wanted to experience that also, something different. Dahil when this one offered magagaling ‘yung mga tao at the back, sa likod nito, so hindi na rin ako nagdalawang isip and then to really understand also the (Cinemalaya) film festival, how they wanted, ano talaga ang audience nu’n, who did they cater,” pahayag ng Mentorque producer.

“Kasi talagang ito, malayung-malayo to what I do. But doon ko rin napagtanto sa sarili ko when I saw the final film na parang mas magiging technical ka siguro as a producer mas nagiging napapansin ko ‘yung subtleness nung acting. Iba rin siya, so I really enjoyed watching this.

“Akala ko before kasi ako mahilig ako sa fast-paced mahilig ako sa edge of a seat pero this one is just emotional. Alam mo from the beginning that we’re looking at how would you handle grief. Talagang right on the table ‘yun. And ‘yun lang talaga we really amaze on the team, lalo na ‘yung acting bukod kay Gabby Padilla, the Japanese actress Arisa Nakano, tapos the direction and cinemathography iba rin. So hopefully you enjoy the film,” sabi pa ni Mr. Dy na ayaw pang sabihin kung anong pelikula ang sinimulang gawin upang isali sa 50th Metro Manila Film Festival.

Ang 2024 Cinemalaya Film Festival ay tatagal hanggang Aug. 11 sa Ayala Malls Manila Bay at selected theaters sa ilan pang Ayala Malls.

 

vuukle comment

JOLINA MAGDANGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with