^

Pang Movies

Eskandalo ni Sandro, natatabunan ng gf ni Carlos

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Eskandalo ni Sandro, natatabunan ng gf ni Carlos
Sandro Muhlach

Natatakpan ang usapin kay Sandro Muhlach sa kontrobersya ng two-time gold medalist na si Carlos Yulo sa sa Paris Olympics.

Siya ang kauna-unahang atleta na nakapag-uwi ng dalawang gold mula sa Olympics.

Ang unang Pinoy na nanalo ng gold ay si Hidilyn Diaz na nagwagi sa weightlifting.

Dahil diyan bumanat na naman si Agot Isidro na dapat daw ay suportahan ng pondo ang sports kung saan tayo nananalo at hindi puro basketball na lang ang sinusuportahan nang todo eh wala naman tayong kapana-paanlo sa sports na iyan.

Maganda at tama ang panukala ni Agot pero hindi iyan magagawa kahit na saan. Kasi ang mga malala­king sponsors ay pumapasok lamang sa spectator sports tulad ng basketball at boxing. Kung ibang event iyan, suwerte na kung may manood sa kanilang tao.

Pero sana nga ay makatulong ang panalo si Carlos Yulo upang palakasin pa ang ibang sports sa bansa dahil nakikita namang meron talaga silang husay na maaaring isabay sa mga mahuhusay na atleta ng mundo.

Tatay ni Angel na swimmer, hindi natulungan ng sponsors

Bihira sa mga fan ang nakakaalam na ang aktres na si Angel Locsin ay isang swimmer. Ang tatay niyang si Mang Angel Colmenares ay isang champion swimmer at nang malaunan ay naging coach pa ng national swimming team.

Sa swimming na tumanda si Mang Angel at nang magkaedad ay nabulag. May suspetsa ang ibang swimmer na ang pagkabulag ni Mang Angel ay dahil sa labis na Chlorine na pumasok sa kanyang mga mata dahil sa paglangoy at pagtuturo niya ng swimming.

Walang araw na wala siyang tinuturuan, at natural kailangang nakalubog din siya sa pool ng Rizal Memorial. Nang malaunan lumabo na ang kanyang paningin hanggang sa hindi na nga siya makakakita.

Sinubukan pa ni Angel na ipagamot ang mata ng tatay niya, pero malaki na raw ang damage at baka mahirapan lamang ang matanda. Sa lahat ng mga nagawa ni Mang Angel para sa swimming may tumulong ba sa kanya? Hindi kasi spectator sport ang swimming, kaya walang malalaking sponsors na pumapasok.

Dumadami lang ang tao riyan kung men’s swimming competition dahil nanonood talaga ang mga bading, o ang mga lalaki naman kung may seksing lady swimmer.

Film bio ni Mother Lily, hinahanapan ng bida

Ngayong wala na si Mother Lily Monteverde, sinasabi nilang itutuloy pa rin daw nila ang matagal na nilang balak na film bio ng Regal producer. Makulay naman talaga ang buhay ni Mother at maganda ang istorya ng kanyang buhay lalo na ang pagmamahalan nila ni Father Remy.

Unang inialok iyan kay Vilma Santos. Masyado pa siyang busy noon bilang governor ng Batangas. Tapos nabalita na lang na si Judy Ann Santos na raw ang gagawa ng role ni Mother. Ok naman si Juday pero ang tingin namin masyado siyang bata para sa role.

Pero aywan, naniniwala kaming isang mas matured actress ang dapat na gumawa ng role ni Mother sa pelikula. Hindi naman kailangan diyan ang isang box-office star, ang kailangan ay iyong makagagaganp sa role nang walang problema.

vuukle comment

CARLOS YULO

SANDRO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with