^

Pang Movies

Dennis, mas gustong maging kontrabida

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang lakas ng da­ting ng character ni Dennis Trillo sa Pulang Araw bilang kontrabida na Japanese soldier during World War II.

Ang galing niya sa pinapanood na trailer kahapon sa isang small presscon, na tiyak na kabubuwisitan ang lahat ng mga mano­nood nito.

Pero naging maingat ang aktor dahil alam niya ang pinagdaanan ng ating mga kababaihan noong panahon ng Hapon.

“‘Di ba ang pinagdusahan ng mga ninuno natin, parang ang bigat lalo na gawin, recreate ‘yung mga moment na ‘yun na talagang mabibigat, na talagang nakaapekto rin sa pagkatao ng marami,” aniya sa ginanap na presscon kahapon.

May eksena sa trailer na maselan? 

Anong preparation sa rape scene kapag ganun at gaano ka-emotional?

“Inire-rehearse namin, para siyang sayaw kumbaga na parang dito tayo sa simula, tapos after nung dialogue lipat tayo sa ganito, sa sahig na. Tapos ganito susuntukin kita, ganun,” pagbabahagi niya kung paano nila pinaghahandaan ang mga eksena na hindi niya karaniwang ginagawa

Bakit may mga Tagalog na lines?

“Kasi po ‘yung character ko, nag-aral po siya rito sa Pilipinas. Kaya natuto siya ng wika ng mga Pilipino. At the same time, mataas po ‘yung rango niya na Japanese officer.

“Nakipag-usap siya sa mga iba’t ibang lahi. Kaya kailangan marunong siya mag-English at the same time ayun Japanese,” paliwanag pa ng aktor sa kanyang character.

Paano siya napili rito?

 “Ang alam ko talagang hinahanap dito isang Japanese na artista and parang nahihirapan sila talaga na i-cast. Ayun nagtataka ako, ako ‘yung kinuha nila pero siguro ayun tiniwala nila sa akin ito,” pag-amin niya.

Handa ka na ba na magagalit sa ‘yo sa character?

“Oo, handa na. Syempre doon mo makikita kung gaano ka ka-effective. Kung talagang okay ‘yung pagganap mo. Kung maaapektuhan sila. Kung ano ‘yung mararamdaman nila kapag napanood nila ‘yung mga eksena.”

At pakiramdam niya mas nagiging mahusay ang isang bida dahil sa kontrabida.

“Wag na ‘yung sa tingin ko kontrabida dahil katulad nung sinabi ko kanina walang magiging effective na bida kung walang isang magpapahirap na kontrabida sa kanya dahil doon siya talaga huhugot ng galit so importante siya,” dagdag niya sa importansiya sa kanyang gagampanang papel sa pinag-uusapang serye na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards.

Carlos, isa-isang sinagot ang hanash ng ina

Nakakalungkot naman ang mga nagaganap sa mag-inang Angelica at Carlos Yulo.

Kahapon nga ay sinagot ni Carlos ang mga sinabi ng kanyang ina kasama ang girlfriend niyang si Chloe.

Nilinaw nga ng double gold medalist ang ugat ng hidwaan sa kanyang ina na kumalat na parang apoy kasunod ng kanyang panalo sa Paris Olympics 2024.

Nakaupo sa tabi ng kanyang girlfriend na si Chloe Anjeleigh San Jose, sinagot nito ang mga isyu sa isang TikTok video, sinasabi nito na hindi inamin ng kanyang ina ang lahat ng mga withdrawal na ginawa mula sa kanyang mga bank account.

Bukod sa incentives, may access din daw ang nanay niya sa bank account niya at monthly allowances sa kanyang training sa gymnastics. At dun daw niya nadiskubre na ang bank account na iyon ay inuubos ang laman ng kanyang ina. At aniya “Mayroon akong mga bank statement na nagpapakita ng mga withdrawal na ginawa niya.”

Sinabi niya rin na nagsimula ang kanilang hindi pagkakaunawaan dahil kay Chloe. “Totoo ‘yan. Simula pa lang, hindi na niya gusto si Chloe, kahit hindi pa niya ito nakikita o nakikilala nang personal,” aniya pa dahil pinanindigan niya si Chloe.

Gayunman, binanggit din ni Carlos kung paano hinusgahan ng kanyang ina ang kilos at istilo ng GF.

Hirit naman ni Carlos, “May recent interview po kayo na kino-congratulate n’yo po ako. Kung genuine po talaga kayo, maraming-maraming salamat po. Ina-acknowledge ko po ‘yung pagko-congratulate niyo sa akin.

“Nagpa-flashback pa rin po talaga yung masasakit niyong sinabi sa akin. At ‘yung mga hindi niyo pag-wish well sa akin. Tumatatak po ‘yun sa akin talaga. Ang message ko po sa inyo na mag-heal kayo, mag-move on.

“Napatawad ko na kayo a long time ago po. At sana nasa maayos kayong kalagayan diyan lahat. Tigilan na po natin ito at i-celebrate na lang po natin ‘yung mga ginawa po ng paghihirap, pagsasakripisyo ng bawat atletang Pilipino dito sa Olympics,” paliwanag ni Carlos.

Iba’t iba ang naging reaction dito.

Oo nga naman at sinabi na niyang nagkaayos na sila, pero inilabas pa rin daw nila ang ginawa ng ina na nag-iwan ng masamang imahe.

At sabi nga nila, ang jowa napapalitan pero kung wala ang ina, wala si Carlos na dalawang medalya sa Paris Olympics.

Masyadong showbiz pero at the end of the day mas importante ang pamilya.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with