^

Pang Movies

Vice Ganda, may offer kay Carlos Yulo

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vice Ganda, may offer kay Carlos Yulo
The Philippines' Carlos Edriel Yulo reacts after competing in the artistic gymnastics men's floor exercise final during the Paris 2024 Olympic Games at the Bercy Arena in Paris, on August 3, 2024.
Loic Venance/AFP

Nagbubunyi ngayon ang buong Pilipinas dahil sa karangalang ibinigay sa bansa ng atletang si Carlos Yulo matapos makamit ang gold medal sa men’s floor exercise ng Olympic Games sa Paris.

Halos lahat nga yata ng tao ay nag-post sa kani-kanilang social media accounts para magpahayag ng pagbati kay Yulo kabilang na nga ang mga pulitiko at celebrities.

Isa sa nakakatuwang congratulatory message na nabasa namin ay mula kay Vice Ganda.

Sa kanyang X account ay nagpasalamat ang Unkabogable Star kay Carlos sa karangalang ibinigay nito sa bansa.

“Congratulations Carlos Yulo for bagging the Gold in Men’s Floor Exercise!!!!!!  Maraming salamat sa karangalang binigay mo sa Pilipinas!” mensahe ni Vice sa gold medalist.

Ang nakakaaliw, inimbitahan niya si Carlos na magpunta sa bago niyang bar pag-uwi nito at libre na raw sa entrance ang atleta.

“Pag-uwi mo dumeretso ka sa Vice Comedy Club libre ka na sa entrance may kasama pang nachos at bottomless iced tea! Chozzzz!!!!”

Hahaha!

Ryza, na-stress sa bagong bahay!

Hindi nagustunan ni Ryza Cenon ang pagkakagawa ng bagong bahay na tinitirhan na nila ngayon ng asawang si Miguel Antonio Cruz at anak nilang si Night.

Nagpa-house tour ang aktres sa kanyang bagong vlog. Ito ‘yung bahay na matagal na nilang ipinapagawa ng mister and finally ay natapos na nga ito.

In fairness, maganda at malaki naman ang bahay pero ayon kay Ryza ay na-stress daw siya sa pagpapagawa nito. Marami raw kasing naging depekto sa pagkakagawa na ilang beses nilang pinaayos sa contractor.

Ilang beses nga raw nangyari na umaalis muna silang mag-anak ng bahay at nag-i-stay sa hotel habang inaayos ang mga depekto.

“Merong nasira or nagka-crack ‘yung wall or something, ganyan. So, medyo stress. Ganu’n ba talaga ‘yun? Hindi ko alam. First time kasi naming magkaroon ng bahay at magpagawa ng bahay,” aniya.

“Ang daming naging problem na ginawa, binalikan ng contractor, ang dami kasing nag-crack na mga walls. Meron din sa stairs, nag-crack ‘yung mga wood, ta’s ‘yung main door din, nag-crack. Madaming naging problema talaga, period,” kwento niya.

“Hanggang ngayon, mayroon pa ring kailangang ayusin, hindi pa rin naaayos. Pero in fairness naman sa contractor, hindi naman sila ‘yung parang hindi na kami pinapansin. Pumupunta naman sila dito para ayusin. Ibibigay ko sa kanila ‘yon,” sey pa ni Ryza.

Sa malayo ay maganda raw ang bahay talaga pero kapag tiningnan mo na malapitan ay makikitang hindi raw talaga pulido ang pagkakagawa. Feeling daw niya ay parang renovated lang ang bahay nila at hindi brand new.

Ito raw ang first family home nila at first investment kaya naman ginastusan daw nila talaga at gusto raw nila siyempre ay worth it ang inilabas nilang pera.

“Medyo hindi kami naging ganu’n ka-happy du’n sa naging outcome nun’g pinaka-finishing ng bahay. Pangit mang pakinggan pero parang hindi siya new house kung ide-describe mo siya kasi hindi siya malinis,” sey niya.

“Parang mukha siyang ni-renovate na house, hindi na siya new house, parang ganu’n ‘yung feel,” dagdag pa niya.

Kaya payo niya sa mga magpapagawa ng bahay, maging mapanuri raw sa pagkuha ng contractor.

“’Yun lang ang naging mali namin, hindi kami na­ging mapanuri sa pagkuha ng contractor,” aniya pa.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with