^

Pang Movies

Eddie Gutierrez, maraming nailuha sa eulogy ni Alexa

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Eddie Gutierrez, maraming nailuha sa eulogy ni Alexa
Eddie

Bumaha ng luha sa huling gabi nang lamay ng pumanaw na misis ni Elvis Gutierrez na si Alexa Uichico- Gutierrez.

Nasa TikTok account ni Ruffa Gutierrez ang videos sa eulogy para kay Alexa.

Ang anak ni Ruffa na si Lorin ay madamdamin ang tribute sa kanyang tita na malaki ang naging impluwensiya sa kanya.

Pero mas emosyonal si Eddie Gutierrez.

Tuluy-tuloy ang pagluha nito habang nagsasalita ng pagmamahal sa manugang na pumanaw.

“My dad’s heartfelt tribute celebrating the life of Alexa Uichico Gutierrez, my beautiful sister-in-law,” caption ni Ruffa.

“Kahit na ‘Tito Eddie’ tawag niya sa ‘kin, okay lang. Mahal na mahal ko siya,” sabi ni tito Eddie na aniya ay itinuring nila kaagad na anak dahil nga nag-iisa lang ang anak nilang babae, si Ruffa.

Namatay sa sakit na leukemia si Alexa noong July 27 na ayon kay tito Eddie ay inalagaan ni Elvis ng twenty-four hours for seven months.

Thirty-eight years old si Alex nang pumanaw.

When I Met..., trending sa streaming

Pumuwesto agad sa no. 1 ang pelikulang When I Met You In Tokyo nang magsimula itong mag-stream sa Netflix nung July 29. Ang When I Met You In Tokyo ay isa sa 2023 official Metro Manila Film Festival entry at pagbabalik tambalan ng OG loveteam of all time, Vilma Santos - Boyet de Leon tandem. Produced ng JG Productions Inc. ito ay sa ilalim ng direksyon nina Direk Rado Peru at Direk Rommel Penesa.

Ayon kay Vilma, masayang-masaya siya sa mainit na pagtanggap ng mga manonood ng Netflix sa pinagbidahang pelikula, nila ni Christopher, “so happy, talaga namang I’m so proud of this movie. Maaring sabihin nila it’s a very simple movie, bakit ka ganyan? No eh, hindi ‘yung kasimplehan ng pelikula namin ni Christopher de Leon o ni Yetbo. Ang importante dito is ‘yung message ng movie kasi ‘pag nakuha mo ‘yung message ng movie, panalo na kami. Hindi ba nandun ‘yung forgiveness, hope, second chances, how important love is, family values. Kung papanoorin mo talaga ng matindi ‘yung When I Met You In Tokyo, it’s a very simple story pero nandun lahat. For that I’m really proud na ngayon pinapanood ngayon sa Netflix, I ask them to watch it again hanggang sa ma-absorb mo ‘yung meaning ng movie.”

Kinilala rin ng ng iba’t-ibang award-giving bodies ang natatanging husay ng Star For All Seasons sa pagganap kung saan tinanghal siya bilang Best Actress sa 2023 Metro Manila Film Festival, 1st Manila International Film Festival at kamakailan nga ay 40th Star Awards For Movies.

Pinarangalan din sa nakaraang 2024 FAMAS Award’s Night ng Circle Of Excellence sina Christopher at Vilma para sa mahusay na performance nila sa When I Met You In Tokyo.

Pagsampa ng kaso sa kapitbahay na nananakit ng anak, pag-uusapan sa CIA

Nakakita ka na ba ng bata sa inyong lugar na sinasaktan at pinapabayaan ng kanyang mga magulang? At kung oo, naisip mo na ba kung pwede ka bang mag-file ng kaso para matulungan ang bata?

Ito ang tanong ni Annika ng Mariteam sa segment na ‘Yes or No’ sa episode ng CIA with BA noong Linggo, Hulyo 28.

Diretsahan naman itong sinagot ng co-host na si Senador Alan Peter Cayetano ng “Yes!”

Gayunpaman, nilinaw niya na may mga guideline na kailangang sundin.

“‘Yung magfa-file ng case, pwede ‘yon pero tatlong responsible citizens. Protection ‘yon kasi baka galit ka lang sa kapitbahay [kaya] baka isumbong mo,” paliwanag niya.

“On the other hand, kung hihigpitan natin kung sino lang pwedeng magsumbong, kawawa naman ‘yung bata kung talaga ina-abuse siya,” dagdag pa ng senador

Kaugnay nito, nagtanong si Miko ng Mariteam: “Paano po kung wala pang anti-VAWC (Violence Against Women and Children) desk sa mga barangay, pwede po bang magsumbong sa mga social worker ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) kapag may incidence of VAWC?”

 “Yes,” sagot ulit ng Senador. Ipinaliwanag niya na kahit may anti-VAWC desk sa barangay hall o women’s desk sa police station, pwede pa ring magsumbong sa social worker. Ito ay nagbibigay ng maraming paraan para sa mga biktima o mga nag-aalala na makahanap ng tulong at suporta.

“Meron nang hotline ang ating DSWD at kasama sa guidelines sa kanilang hotline ‘yung mga gender-based violence and violence against women and children incidents. So sa emergency line ng Pilipinas na 911 — national emergency hotline, pwede din do’n,” aniya.

Ang CIA with BA ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong senator Rene Cayetano at nagpapalabas tuwing Linggo ng alas-11 ng gabi sa GMA7, na may mga replay sa GTV tuwing Sabado ng susunod na linggo ng alas-10:30 ng gabi.

vuukle comment

ELVIS GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with