^

Pang Movies

Mga gustong magbigay ng award, biglang nagsulputan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Basta dumarating ang ganitong panahon, sunud-sunod at napakaraming awards. Pero ngayon marami pang mga samahang sumusulpot kung saan-saan na nagbibigay rin ng awards.

Mayroong awards na magugulat ka akala mo ay totoong recognition galing sa abroad pero ang nananalo halos lahat naman Pinoy.

Nagbibigay pa sila ng awards sa media, na nakakatawa naman. Kasi ang mga napipili nila ay mga walang say, pero ang mga iyon kasi ay nakikipag-cooperate sa kanilang awards.

Hindi lang iyan mga hotoy-hotoy at puchu-puchong awards na bigla na lang sumusulpot from nowhere at hindi naman talagang lehitimong samahan.

Kaya nga kailangan maging mapili rin tayo kung anong awards ang ating paniniwalaan, after all kung sino man ang pananalunin nila nasa atin iyon kung maniniwala tayo sa choices nila o pagtatawanan na lang natin ang choices.

Sa ngayon ang sinasabi ng mas marami sa industriya na ang pinaniniwalaan nila ay iyong Eddys, kasi nga walang nababalitang anomalya sa kanilang awards, walang pulitika, at tanging kahusayan lamang ang kanilang basehan. Hindi rin naman sila gumagawa ng pera by invitation ang dumadalo sa kanilang awards walang pinababayarang meal o dinner tickets sa hotel na venue nila.

Nadine, tuloy ang pakikipag-nego sa Kapamilya

Totoo pala, nagsisimula na ang negotiations para gumawa ng isang serye si Nadine Lustre para sa ABS-CBN pero iyon daw ay ipapalabas sa online streaming. Ibig sabihin magiging pay per view muna, at saka na nila ilalabas sa free TV.

Pero may kontrata pa siya sa Viva, so co-pro kaya ‘yun?

Vlogger na persona non grata sa Palawan, biglang umingay

Akala namin natahimik na si Rendon Labador matapos siyang mabiktima ng mga nag-report sa kanya sa lahat halos ng social media platform noon. Pero hindi pa pala siya natahimik kasama ang dalawang iba pang “influencer” na sina Rosmar at Markki Tan sinugod nila ang munisipyo ng Coron sa Palawan at nagwala roon dahil sa comment ng isang empleyado ng gobyerno. Hindi naman nagmula ang comment na iyon sa local government, kundi personal na opinion noong tao, pero sinugod nila ang munisipyo.

Dahil doon nagpalabas ng isang kautusan ang sangguniang panlalawigan ng Palawan na nagdedeklara kina Rendon at Rosmar na persona non grata sa buong Palawan kahit na sila ay humingi na ng dispensa sa kanilang maling nagawa.

Well, ganyan naman ngayon. Mga influencer parang sinasampalataya ng iba na hindi naman nila kilala.

Maedad na events host, pinalitan ng newcomer!

Kaya pala galit na galit ang isang may edad nang events host sa isang newcomer, kasi ang bintang niya inaagawan siya noon ng trabaho. Pero maliwanag naman ang sinasabi ng events organizer, mas maraming tao kung ang newcomer ang kanilang host dahil pogi iyon at marunong makibagay kaysa sa matandang events host na ang feeling ay sikat na sikat at napaka-talented niya.

Ginagawa raw concert niya ang kanilang event na hindi naman concert talaga kaya natural, naiinis ang audience at nilalayasan sila. Papaano nga naman kikita ang event kung ganoon?

NADINE LUSTRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with