^

Pang Movies

Ate Guy hinay-hinay muna, laging naho-hospital

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ate Guy hinay-hinay muna, laging naho-hospital
Nora

Tumanggap si Superstar Nora Aunor ng parangal bilang Filipino National Artist sa World Class Excellence Japan Awards.

Personal na tinanggap ni Ate Guy ang award na ginanap sa isang hotel sa Pasay City.

Aktibo sa taong ito si Ate Guy dahil bukod sa dalawang pelikula na natapos niya (Pieta at Mananambal) na ipapalabas na, airing na rin ang episode niya sa GMA Afternoon Prime series Lilet Matias: Attorney-At-Law kunsaan nag-reunite sila ng Onanay co-star niya na si Jo Berry.

Happy nga raw si Ate Guy sa nangyayari sa career ni Jo. Hindi raw ito nagbago kahit sikat na ito.

Umaasa ang mga modern-day Noranians na gumawa pa ito ng maraming pelikula. Pero ayon kay Ate Guy, hinay-hinay lang siya dahil na rin sa estado ng kalusugan niya.

“Pinag-iisipan pa kung anong istorya ‘yung babagay. Okay naman ako. Kaya lang minsan, dahil nga doon sa nakaraan na lagi akong naoospital, pero ngayon okay naman ako, wala namang problema.”

Concert ni Justin Timberlake, apektado sa pagkakaaresto

Nag-viral ang mugshot ni Justin Timberlake pagkatapos itong arestuhin noong Tuesday ng umaga sa Sag Harbor, New York, on DWI (Driving While Intoxicated) charges.

Ayon sa report ng TMZ: “Timberlake was pulled over around 12:30 a.m., according to his attorney Ed Burke Jr. The singer had just been out to dinner with friends at the American Hotel. 

“The 43-year old former NSYNC member refused a breathalyzer test, which is an automatic license suspension, as per the DMV in the state of New York.”

Sa report ng arresting officer ay “in an intoxicated condition” ang singer: “his eyes were bloodshot and glassy and a strong odor of an alcoholic beverage was emanating from his breath. He performed poorly on all standard field sobriety tests” 

Claim ni Timberlake: “I had one martini and I followed my friends home.”

Kasalukuyang nasa gitna ng kanyang Forget Tomorrow World Tour si Justine at baka maapektuhan ang ticket sales dahil sa pag-aresto sa kanya.

Dalawa ang sinampang traffic violations sa singer: running a stop sign and failure to stay in the correct lane. Justine was granted bail at ang next court hearing niya ay sa July 26.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with