^

Pang Movies

Ria, sumagot sa denial ng kapatid sa kanyang pagbubuntis!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ria, sumagot sa denial ng kapatid sa kanyang pagbubuntis!
Ria Atayde at Zanjoe Marudo

Sinagot ni Ria Atayde ang basher na nag-nega sa kanyang pregnancy announcement.

Isinabay ng anak ni Sylvia Sanchez sa Father’s Day ang pag-anunsyo ng kanyang pagbubuntis kung saan sinabi niyang magiging tatay na ang mister na si Zanjoe Marudo.

Pero syempre hindi talaga nawawala ang basher na nagkomento sa kanyang post at sinabing “Hahahaahah… tapos ddeny png buntis!susme,” komento ng basher.

Sinagot naman ito ng buntis na aktres na “we never denied anything, Madam. We just didn’t think we owed anyone an announcement. :) thank you for the support po.”

Maaalala nga kasing itinanggi ng kapatid niyang si Gela Atayde nang tanungin siya noon tungkol sa ispekulasyong nagdadalang-tao na ang kapatid nila ni Arjo.

Sinabi nito na may PCOS ang kapatid at himala pa kung mabubuntis ito.

“For me, I can’t say much yet. For now, no [hindi buntis]. They’re trying, that’s for sure. My sister has PCOS and it would be a miracle if she has a child.

“Well, at least my parents also are supportive for that my sister nga kasi is at the age — turning 32 this year — medyo kailangan na din,” sagot nito nang tanungin siya kung buntis na nga ba ang kanyang ate noong buwan ng Marso.

Pero hindi tumigil ang isyung buntis ito dahil sa mga naglalabasang litrato na tila lumalaki at nahahalata na ang baby bump.

Kaya hinintay na lamang ng mga tagahanga niyang kusa niyang ianunsyo at kumpirmahin ito.

Dinepensahan naman ng ibang fans ang ginawa ni Gela dahil maaari raw na hindi pa nito alam ang tungkol sa pagbubuntis ng kapatid ng panahong iyon.

At sumang-ayon ang maraming netizens na they don’t owe anyone an announcement. Likas lang daw talagang mosang ang mga tao at hindi na alam ng mga artista kung saan sila lulugar.

Bongga.

vuukle comment

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with