^

Pang Movies

Sanya, ‘di napaghandaan ang pelikula?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sanya, �di napaghandaan ang pelikula?!
Sanya Lopez

May ginawa palang pelikula ni Sanya Lopez, ang Playtime, pero aywan kung bakit hindi matunog iyon. Nung una nga ang akala namin ay sa Vivamax lamang ipalalabas iyon, sa sinehan pala ilalabas.

Kasama niya sa pelikula sina Coleen Garcia and Xian Lim at isang hindi ko pa kilala.

Matatandaang naging top rater ang dalawang serye ni Sanya Lopez kaya siya nataguriang “first lady ng primetime” kasama si Gabby Concepcion.

Pero ‘yun nga, hindi kinagat sa pelikula.

Sayang si Sanya.

Sana nabigyan siya ng mas magandang proyekto na bagay sa kanya.

Hindi ‘yung parang ipinasok siya para lang masabing may pelikula.

TV5 magkakaroon na rin ng sariling shows

Mukhang natakot din ang GMA 7 sa pagpasok ng Wil to Win ni Willie Revilame sa TV5. Ngayon ipinagmaalaki nilang tumaas at tumatag ang ratings ng kanilang mga afternoon program simula ng mapalitan ng It’s Showtime ang show ng mga Jalosjos. Natural sasabihin nilang tama ang desisyon nilang patalsikin na lang si Jalosjos matapos na iwanan ng TVJ at bumagsak ang rating.

Pero hindi lang si Willie, hindi yata napapansin ng GMA na pumapasok na muli sa produksiyon ang APT ni Tony Tuviera matapos na magsara ang Tape Inc. Sila ang producer ng serye na ilalabas din sa TV 5, ang Padyak Queen.

Baka nga ganun na nga ang plano ng TV5.

Ang kumuha na lang ng mga content at makipag-collab.

Nauna na sa kanilang pumasok ang mga show ng ABS-CBN.

Talagang parang naging Kapamilya na rin ang Channel 5.

Pero ‘yun nga co-producer na rin sila sa It’s Showtime kaya parang bumabawi sila ngayon na magkaroon ng sariling programa.

Kumikita nga kasi sa ganun ang kanilang network pero nawawala naman ang kanilang identity.

Kaya tama na mag-produce ang TV5 ng sarili nilang programa.

Sa Zoe TV siguro ay ok lang iyon dahil wala naman halos sales ang kanilang channel na dapat ay isang religious channel.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with