^

Pang Movies

Talent manager, nakakulong pa rin dahil sa pangingialam sa sideline

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Isang napakahabang araw iyon kailangan ka­ming gumising nang maaga patungo sa Lipa, para makipagkita sa aming kaibigang pa­ring si Fr. Dale Anthony Barretto Kho. Kasama namin ang loyal na secretary ni Kuya Germs (German Moreno) noon pang araw na si Carmelites Rigonan. Matagal na rin naman kaming hindi nakakadalaw sa Lipa at nagtutungo kami roon para humingi ng dasal na mapawi na ang aming mga karamdaman. 

Pagkatapos noon kailangang magbalik kami agad sa Maynila dahil sa aming trabaho. Kinagabihan ay nakakwentuhan naman namin ang isang grupo ng mga independent entertainment journalists, iyong Team na pinamumunuan ni Nonie Nicasio. Iyan ay isa pang grupo ng mga manunulat sa entertainment na iginagalang namin.

At marami kaming nakuhang balita tungkol sa ibang mga artistang hindi na namin naaabot nang makakwentuhan namin sila.

Naungkat din ang mga matatandang balita na hindi halos napag-usapan, isa na nga riyan ang pagsu-suicide ng anak na lalaki ng isang actor na sadyang ginawa niya para mapahiya ang tatay niya. May conflict ang mag-tatay.

Napag-usapan din ang isang talent manager na hanggang ngayon ay nakakulong pa dahil sa pangingialam niya sa hindi magandang “sideline” ng kanyang mga alaga at nahuli sila.

Ganoon din ang karanasan ng isang editor at member nila na nahuli ng NBI noong araw dahil sa mga malalaswang litrato sa kanilang tabloid noon.

Kung babalikan ang mga kuwento sa showbiz na karamihan ay hindi na nalalaman ng publiko nakakaaliw din naman.

Iyan ang mga kuwentong kami-kami lamang ang nakakaalam.

Andres, naturuan ng pakikisama sa fans!

Talagang hindi na yata mapigilan ang pagkakagulo ng fans kay Andres Muhlach. Nahuli siya ng fans at ilang dangkal na mga litrato niya ang pinapirmahan sa kanya, walang angal at nakangiting pinirmahan iyon ni Andres.

Ganyan naman dapat ang mga artista. Huwag silang magsusungit sa fans nila dahil ang mga iyan ang bumubuhay sa kanilang career.

Isang magandang halimbawa nga si Ate Vi (Vilma Santos) na hanggang ngayon ay hindi iniiwan ng kanyang fans at nadaragdagan pa ng mga bata.

Ang tatay ni Andres na si Aga Muhlach ay ganoon din.

Pero iyong mga artistang suplado sa fans, tingnan ninyo wala nang natitira.

Mabuti naman at naturuan nang tama si Andres bago siya sumabak sa show business.

Ang tingin namin, kung may maaaring makalaban sa popularidad si Andres Muhlach, wala pa sa show business ang taong iyon.

Nasa sports pa siya. Napansin ba ninyo kung papaanong kabaliwan din si Kobe Paras, lalo na iyong pictures niyang walang shirt?

Male starlet, nabudol ang bading na events host!

Natuklasan namin kung bakit galit ang isang events host sa isang male starlet. Talaga palang may gusto ang bading na events host kaya pinapahagingan niya iyon ng panliligaw sa internet chat.

Minsan ibinigay ng male starlet ang kanyang GCash number at mukhang nanunukso sa mga gustong makipag-date sa kanya. Hindi iyon pinalampas ng bading na events host, agad siyang nagpadala ng P5K na GCash kagaya ng sabi ng poging male starlet, natanggap naman ng male starlet ang datung pero bigla siyang nagbago ng isip, hindi siya nakipagkita sa events host sa lugar na sinasabing pagkikitaan nilang dalawa.

Ang feeling ng bading na events host “binudol siya ng male starlet.”

Ganun na nga.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with