^

Pang Movies

‘Playtime,’ malalaman ang kapalaran sa takilya

Salve V. Asis - Pang-masa
�Playtime,� malalaman ang kapalaran sa takilya
Playtime

MANILA, Philippines — Mapapanood na ang pinakaaabangang pelikula ng GMA Pictures at Viva Films na Playtime starring Sanya Lopez, Coleen Garcia, Faye Lorenzo, at Xian Lim sa ilalim ng direksyon ni Mark Reyes V.

Marami ang excited at sabik na malaman ang kuwento sa likod ng suspense thriller film na ito.

Sey nga ng marami, siguradong hindi mabibigo ang viewers sa Playtime dahil palagi namang bongga ang mga kinalalabasan ng pagsasanib-pwersa ng GMA at Viva.

S’yempre, dagdag pa rito ang magaling na cast at si Direk Mark na siya ring utak sa kuwento at konsepto ng pelikula.

Tumungo sa paborito ninyong sinehan ngayong araw (June 12) at panoorin ang Playtime.

Regine, pasok sa Pamilya Sagrado

Mapanakit na rendisyon ang hatid ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa Ulit Ulit, ang official theme song ng inaabangang ABS-CBN family drama na Pamilya Sagrado.

Tungkol ang Ulit Ulit sa maling pagtitiwala sa isang minamahal.

Samu’t saring papuri agad ang natanggap ng kanta sa YouTube dahil sa matinding emosyon na hatid nito.

Sabi ng isang YouTube viewer, “Hauntingly Beautiful!!!!! Grabe talaga kumanta si Queen Regine! Damang dama mo! Ang gandaaaa ang galing!! Mapanaket!! Nag iisa ka Songbird!!!”

Pinuri naman ng isang online viewer ang vocal layers na tampok sa awitin. “Grabe yung vocal layers. Ang sarap pakinggan. Hindi lang basta nagkukwento si Regine sa kantang ito, talagang sinigurado niyang maipaparating niya rin yung emosyon na nais iparamdam ng kantang ito.”

Tampok din sa awitin ang back-up vocals ng Kapamilya artists na sina Lyka Estrella at Trisha Denise.

Pangungunahan ni Piolo Pascual kasama sina Kyle Echarri at Grae Fernandez ang Pamilya Sagrado na magsisimula nang ipalabas sa Lunes (Hunyo 17), 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC. Mapapanood din ito 48 oras bago ang TV broadcast sa iWantTFC.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with