^

Pang Movies

Julia, naghihintay na sa proposal ni Gerald

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Julia, naghihintay na sa proposal ni Gerald
Julia Barretto at Gerald Anderson.
STAR/ File

Maganda ang relasyon ng Kapamilya actor at entrepreneur na si Gerald Anderson sa pamilya ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto kaya natutuwa ang huli.

Muling nakasama si Gerald ng kasintahang si Julia at pamilya nito nang magdaos ng kanyang ika-35th birthday last March 7. Tatlong araw lamang ang pagitan ng birthday nina Gerald at Julia na ang kaarawan ay March 10.

Although magtu-27 pa lamang ang actress sa araw na ito hindi nito ikinakaila na handa na umano siyang harapin ang pagkakaroon ng sariling pamilya kung siya’y yayakagin ng kanyang nobyo of almost five years.

Sigurado na umano si Julia na si Gerald na ang lalaking gusto niyang makasama habambuhay at sana’y siya na rin ang gustong maging forever ng actor.

ANDI, HANDANG BALIKAN ANG SHOWBIZ

Bumuhos ng tao ang anim na gabing wake ng yumaong veteran award-winning actress na si Jaclyn Jose sa Arlington Memorial Chapels in Quezon City sa loob ng anim na araw mula nung March 4 to March 9, 2024.

Bukod sa pamilya at mga kaanak, majority ng mga nakidalamhati sa pamilya ng kaisa-isang Filipina at Asian actress na nakapag-uwi ng Best Actress award mula sa prestigious Cannes Film Festival in 2016 para sa pelikulang Ma’ Rosa, dinagsa rin ang burol ng mga taga-industriya na kaibigan, nakatrabaho, at nakaka­kilala sa yumaong actress.

Ang urn ng namayapang actress ay planong dalhin ng kanyang panganay na anak na si Andi Eigenmann sa Siargao kung saan ito ngayon naka-base kasama ang kanyang pamilya, her fiancé na si Philmar Alipayo at mga anak nila.

Bukod sa tiyahin ni Andi na si Veronica Jones, hindi rin siya pinabayaan ng kanyang mga kapatid (sa father side) na pinangunahan ni Gabby Eigenmann maging ng kanyang iba pang mga kaanak sa Eigenmann side including her paternal grandparents na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

Naibsan ang pain na nararamdaman ni Andi at nakababata nitong kapatid na si Gwen sa pagpanaw ng kanilang ina nang makita niya ang outpouring love na ipinakita ng mga tao sa kanilang ina, isang bagay na sobra umano niyang pinasasalamatan.

Nagpakita rin ng suporta ang kanyang ex-boyfriend at ama ng kanyang panganay na anak na si Adrianna Gabrielle ‘Ellie’ Eigenmann (12) na si Jake Ejercito na from day 1 pa lamang ay naroon na.

Samantala, inihayag ng Siargao-based actress na si Andi na bukas pa rin umano siya sa posibilidad na makagawa ng proyekto sa telebisyon at pelikula kung may darating na offer.

Sarah at Matteo, nanlibre sa Universal

Marami ang ginulat ng Pinoy Pop Superstar na si Sarah Geronimo sa kanyang bagong cut ng hair at sa kanyang revealing gown na gawa para sa kanya ng Dubai-based Filipino fashion designer na si Michael Cinco na talagang bumagay sa kanya nang ito’y dumalo sa 2024 Billboard Women in Music Awards night ng ginanap sa sold-out event at the YouTube Theater in Hollywood, California nung nakaraang Huwebes, March 7, 2024.

She was accompanied to the event ng kanyang husband, ang singer, actor, athlete at entrepreneur na si Matteo Guidicelli and ten of her loyal Sarah G Team.  Bukod sa maraming taong kanyang pinasalamatan during her acceptance speech, hindi niya nakalimutan ang kanyang mister na si Matteo, ang kanyang Viva Films, her fans maging ang kanyang inang si Divine Geronimo na kinu-consider niyang ‘my hero.’

Si Sarah ang kauna-unahang Filipina at Asian singer na pinarangalan ng Global Force Award ng Billboard Women in Music Awards, isang global recognition na hinding-hindi makakalimutan nito.

Malayo na nga ang narating ni Sarah since she won as grand champion sa isang singing competition, ang Star for A Night in 2003 na naging dating ng pag-sign up niya with Viva Artists Agency na siyang nangangalaga ng kanyang career hanggang ngayon. Kasama na rin niya sa VAA ang kanyang mister na si Matteo.

Samantala, nakatutuwa naman ang mag-asawang Sarah at Matteo dahil dinala nila ang Sarah G Team sa Universal Studios theme park in Hollywood, California, USA.

TP, mabilis nakalimutan

Alam mo, Salve A., tila natabunan ang kontrobersiya sa tuluyang pamamaalam ng noontime program na Tahanang Pinakamasaya which was not able to live up to its title and expectation.

It was last March 2, 2024 nang huling mapanood nang live ang hosts ng Tahanang Pinakamasaya na pinangunahan ng actor at dating mayor ng Maynila na si Isko Moreno, Paolo Contis, Buboy Villar, Bentong Sumaya, Chariz Solomon, Cassy and Mavy Legaspi, Dasuri Choi, Kimpoy Feliciano,  Michael Sager, Yasser Marta at Winwyn Marquez. Pero nagkaroon pa ng apat na replay ang programa napanood on GMA bago nag-isyu ng official statement ang pamunuan ng TAPE, Inc. na siyang producer ng nasabing noontime show.

Nataon nung March 2 ring binawian ng buhay ang award-winning veteran actress na si Jaclyn Jose na ang pagkamatay ay ikinabigla ng publiko at ng industriya ng pelikulang Pilipino at telebisyon.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with