^

Pang Movies

DJ Durano, walang nagawa sa pagpapa-sexy ng anak

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
DJ Durano, walang nagawa sa pagpapa-sexy ng anak
Yen Durano

Napakaganda ng boses ng singer at Vivamax sexy star na Yen Durano, anak ng actor na si DJ Durano.  Sa halip na ang maganda niyang boses ang gawin niyang puhunan sa pagpasok sa showbiz, mas minabuti nito ang route bilang sexy actress, bagay na hindi umano niya pinagsisisihan dahil unti-unti na siyang nakikilala kahit nung isang taon lamang umano siya nagsimula.

Nakagawa na rin siya ng ilang pelikula tulad ng Patikim-Tikim, Baby Boy, Baby Girl, Ganti-Ganti at ang kanyang launching movie na Litsoneras na pinamahalaan ni Roman Perez, Jr. na siya ring director ng kanyang bagong Vivamax movie, ang Eks na streaming na on Vivamax.

Marunong umarte si Yen kaya hindi malayong mapanood din ito sa mainstream balang araw.

“’Yan naman po talaga ang dream ko, ang mapanood ang movie ko sa mga sinehan,” aniya.

Aminado si Yen na nung umpisa ay hindi umano pabor sa pagpapaseksi niya ang kanyang amang si DJ pero nasa tamang edad na umano siya to decide for herself. Kaya sa kalaunan ay naging supportive na rin ito.

Jerome, interesado kay Krissha!

It was in 2021 when singer-dancer and former Girltrends member ng noontime show na It’s Showtime na si Krissha Viaje signed up with Viva Artists Agency bitbit ng pangarap na maging isang recording artist ang Viva Records.

Pero iba ang nakita sa kanya ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario na mas papatok siya bilang actress (while singing and dancing is also an integral part.)

Last year, pinagkatiwalaan siya ng Viva sa kanyang first lead role in a series sa pamamagitan ng Safe Skies, Archer kung saan niya katambal at ka-loveteam na ngayon ang dating Kapamilya actor na si Jerome Ponce na nasa bakuran ng rin ng Viva.

Hindi nila akalain na magki-click ang kanilang tambalan dahil six months nang tumatakbo ang kanilang unang series at marami nang ibang plano for their team-up ang Viva.

Sa isang intimate mediacon for Jerome at Krissha, inamin ng dalawa na sobra na umano silang kumportable sa isa’t isa bilang magkaibigan.

Nang tanungin namin si Jerome kung posible bang mauwi sa totoong relasyon ang kanilang team-up ay agad itong nagsabi na hindi umano imposible na tila ikinabigla ni Krissha.

 

YEN DURANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with