^

Pang Movies

Willie, tuloy na ang pagbalik sa free TV?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Willie, tuloy na ang pagbalik sa free TV?!
Willie Revillame

Mukhang babalik na sa free TV ang Wowowin ni Willie Revillame dahil nakahanap na raw ng backer ang TV host. Pinost ni Atty. Buko dela Cruz sa kanyang social media accounts ang larawan nila ni Willie Revillame at may caption na “Wowowin!!! Ang pagbabalik.”

Sa isa pang picture post, makikitang nagpipirmahan ng kontrata sina Willie at ang billionaire businessman na si Antonio “Tony” Co. Ang caption naman ni Atty. Buko sa post niyang ito ay “Aqua Tagaytay coming soon.”

Ang tsika, binili ni Mr. Co ang multi-million yacht ni Willie pati ang mansion nito sa Tagaytay na noon pa namin nabasa na for sale. Kaya may caption si Atty. Buko ng “Aqua Tagaytay coming soon” dahil si Mr. Co ang owner ng Aquatica Boracay at kapag nga naman ginawang hotel ni Mr. Co ang nabiling mansion kay Willie, baka “Aqua Tagaytay” ang kanyang ipangalan.

Nakakatuwa ang netizens, gustong makita ang tsekeng pinirmahan ni Willie at pati kung ano ang nakasulat sa kontrata. Sana raw, pati ‘yun ay ipinakita ni Atty. Buko na kung inyong natatandaan, lawyer din nina Tito, Vic & Joey at ng Eat Bulaga sa kaso nila laban sa TAPE Inc.,

Ang hindi pa nabanggit ay kung saang network magbabalik at mapapanood ang Wowowin. May posibilidad kayang bumalik ang show at si Willie sa TV5? Saka, kailan kaya babalik ang show?

Pia, ayaw pasingitin sa Seventeen member!

Nakunan ng clip si Pia Wurtzbach na nakatingin kay DK, member ng K-pop idol na Seventeen nang magkasabay silang dumalo sa Bally Fashion show sa Milan Fashion Show noong Feb. 24. Mapapanood sa video na kuha ng isa ring attendee sa fashion show na pasulyap-sulyap ito kay DK.

Pinost ng Pinoy Carats ang clip at tinag si Pia at biniro nila ng “Ms. Pia Wurtzbach was actually staring at DK. Pila po tayo sa likod, madam.”

Sumagot si Pia ng “Wag kayong magalit. Napatingin lang eh! Hindi ko kaya sisingitan sa pila!”

Sumagot ang isang Carats member ng “Hindi po kami galit madam,” at may sumunod pang comment na “Hahaha! Napanalo niyo na po ang universe bawal po ang mundo namin,” ang nakakatawang “Walang beauty queen beauty queen dito” at ang mas nakakatawang comment na “Tho may Jauncey ka na naman pero pila na lang sa likod miss ma’am hahaha.”

Sa kanyang videos, binanggit ni Pia kung gaano kalamig sa Italy at ang mga suot pa naman niya minsan, may skin exposure. Nakakatuwa ang sinabi nitong “So cold” at “It’s so cold.”

Hectic ang schedule ni Pia, gaya sa ibang invited sa different fashion show at minsan, sa car na siya inaayusan at mine-make-apan ng kanyang glam team. 

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with