^

Pang Movies

Magkapatid, nasira dahil sa tsismis!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Mapanakit ang mga salita. Dumulog si Edna sa CIA with BA nitong Linggo, Pebrero 18 upang ireklamo ang kanyang nakababatang kapatid na si Rubie dahil umano sa pagkakalat nito ng chismis na siya ay may ibang lalake.

Sabi niya, posible talaga itong magawa ng kapatid dahil ito mismo ang sabi ng kanyang asawa, pero mariing itinanggi ito ni Rubie dahil aniya hindi niya ito magagawa dahil sila ay magkadugo.

“Kasiraan niya, kasiraan ko rin,” sabi ni Rubie.

Inihayag na rin niya ang mga hinaing laban sa nakatatandang kapatid dahil umano sa pananakit at pang-iinsulto nito sa kanyang mga anak. “I remember ‘yung isang riddle: ‘habang nababawasan, lalong lumalaki – butas,” pagbabahagi ni Senador Alan Peter Cayetano nang kanilang pagnilayan ang kaso. “Gano’n pala ‘yung mga problema sa relationship, ‘pagka hindi mo na-ceasefire, lalong lumalalim nang lumalalim so dadating ‘yung isang araw na napakahirap nang i-solve.”

Kasama ang kapatid na si Pia Cayetano at co-host na si Boy Abunda, sinubukan ni Alan na ipaintindi sa dalawa kung gaano kahalaga ang magkapatawaran sila na tila mahirap para kina Edna at Rubie.

Sa pagtatapos ng segment na Case 2 Face, ipinagdasal sila ni Kuya Alan.

“I still believe na malaki pa rin ang pag-asa ni Edna at ni Rubie pero lesson sa ating lahat, kung merong hindi pagkakaunawaan, try to resolve it right away. Kung hindi ma-resolve, ‘wag nating pilitin, pero ‘wag nang lumalim pa,” sabi niya.

Para naman kay Ate Pia: “We always encounter this. Ang laking role po ng mga kaibigan, kapitbahay, ibang kamag-anak na ‘wag nang dagdagan.”

Napapanood ang CIA with BA kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA 7.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with