^

Pang Movies

Carla, nagbebenta ng towel na worth P5K

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Carla, nagbebenta ng towel na worth P5K
Carla

Mabuti at naka-off ang comment box ng Instagram account ng carlaangeline_closet dahil kung open ito, siguradong marami na naman silang reaction sa mga bagong post ni Carla Abellana ng kanyang pre-loved items na ibinebenta.

Sa mga bagong pinost na pre-loved items, kasama ang brand new Missoni Hand Towel na for sale for P5,000. Siguradong may magsasabing napakamahal naman ng hand towel na made in Italy. 

Mas magre-react ang netizens sa Tory Burch pouch na for sale for P4,500 at kasama ang Tory Burch paper bag. Parang alam na namin ang isa sa reaction na pati paper bag ibinebenta na ni Carla. Hindi na nga lang maba-bash siya ng pouch at paper bag dahil sold na ang item.

Isa rin sa bagong item na pinost niya ay ang brand new yellow gold pearl and diamond earrings na worth P20,500. May Michael Kors bag din na may kasamang Michael Kors dustbag na tiyak ang ire-react ay bakit pati dustbag ibenta? Ito ay para maprotektahan ang bag, kaya ‘wag na kayong mag-react, hindi rin naman kayo bibili. Hahaha!

Samantala, nagpasalamat siya sa 2.5M followers niya sa Instagram at sabi ng kanyang fans deserve niya ang milyong followers dahil daw ito sa magaling siyang aktres at mabait pa sa stray cats and dogs.

Malapit na palang magtapos ang Stolen Life nina Carla, Beauty Gonzalez at Gabby Concepcion, kaya may pa shoutout siya kay Beauty ng “Love you forevs, @beauty_gonzalez.”

Heart at Nanay, emosyonal ang yakapan

Parehong umiyak sina Heart Evangelista at mom niyang si Cecile Ongpauco nang malapit na sila sa aisle kung saan, nagtagpo sina Heart at Senator Chiz Escudero. Ang mom niya ang kasama niyang maglakad sa aisle at mapapanood din sa video na nagyakapan ang mag-ina.

Marami sa invited guests sa wedding ang naluha nang magyakapan ang mag-ina dahil maaalalang nang una silang ikasal, hindi nakadalo ang parents niya. Dito naman sa renewal of vows ng mag-asawang Escudero, hindi nakadalo ang dad ni Heart na si Rey dahil nasa Amerika for medical treatment.

‘Yung wedding gown pala niya ay kabilang sa Elie Saab Haute Couture AW23-24, pero ‘yung inirampa sa fashion show, walang veil. Ang wedding gown niya, may veil at silk panels flowing from the shoulders na lalong nagpaganda sa gown.

Pati ang shoes niya ay sa Elie Saab din at pati ang bouquet made of Satin and Swarovski Crystal na gift sa kanya ng designer. Ang diamond necklace naman ay gawa ng Janina Dizon Jewelry.

Sarah, maangas sa collab nila ni Billy

Ang angas ng music video ng collab duet nina Sarah Geronimo at Billy Crawford at pati song ay maangas din, kaya pati si Gary Valenciano, napa-like. Noong Feb. 16 ang official release ng official video release.

Ibang-iba rin ang hitsura ni Sarah sa music video and with her makeup and her wig (hindi kami sure sa color), nagmukha siyang K-pop artist.

May eksena sa music video na may hawak na bat si Sarah at pinalo ang isang TV set at marami pang pasabog ang music video. Ang lakas daw maka-gaming character ni Sarah.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with