^

Pang Movies

Kim, aminadong nag-umpisang parehong kaliwa ang paa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim, aminadong nag-umpisang parehong kaliwa ang paa
Kim

Last Sunday ang 29th anniversary ng ASAP Natin ‘To at hindi naging madali para sa mga mainstays ang mag-celebrate dahil sa pagpanaw ng Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal na siyang nagsimula, nagtaguyod at nagpasikat ng nasabing Sunday variety show.

Ipinost ni Kim Chiu ang ilang snippets ng anniversary celebration ng show at aminado siyang bagama’t mahirap, pinilit pa rin niyang dumalo last Sunday at mag-perform dahil alam daw niyang hindi matutuwa si Sir Deo kung hindi niya sisiputin ang programa nito.

“It is a different kind of Sunday. A bittersweet kind of day.

“Being in the entertainment industry, one person told me not to bring my personal problems in front of the camera. If you can’t do it, don’t go to work, because our job is to entertain people. People won’t understand what you are truly feeling inside; they don’t know anything unless you tell them one by one or tell them what you are going through. But not all of them will understand, and not all of them know what is happening inside you. But for me, going to work and being present is my way of escaping reality. I can smile, laugh, talk to people, sing, dance, host, act, and much more. I can pretend that everything is okay for the time being. But yesterday seemed very hard, but I know Sir Deo will not be happy if I don’t attend one of his first projects in AbsCbn, celebrating 29 years of ASAP,” pahayag ni Kim.

Inamin din ng aktres na sa ASAP siya nahasa sa pagsasayaw dahil parehong kaliwa raw ang paa niya noon.

“I am forever thankful to ASAP for teaching me how to perform since I started showbiz until today. I am grateful for the endless production numbers they’ve been giving me and entrusting me to do.

“I started na parehong kaliwa ang paa ko, but ASAP didn’t give up on me; singing is not my jam too, and hosting na masakit sa tenga ako magsalita.

“But 17 years later, I’m still here performing and celebrating 29 years of excellence and world-class performance, along side with the best of the best in the industry,” she said.

“Indeed, I am truly and forever grateful! Thank you ASAP FAMILY! Congratulations to everyone most especially people behind ASAP all these years! HAPPY ANNIVERSARY! And THANK YOU, SIR DEO for being one of the great minds of ASAP(All-Star Sunday Afternoon Party), YOUR LEGACY WILL LIVE FOREVER IN OUR HEARTS.YOU WILL FOREVER BE REMEBERED,” pagtatapos ni Chinita Princess.

Dennis, benta sa flower filter

‘Kaaliw ang bagong TikTok video ni Dennis Trillo na version niya ng sikat na Anita Max Wynn dance challenge.

Sa nasabing video ay makikita ang aktor na naka-flower filter pa na nakalagay sa kanyang tenga. Pero ang mas nakakaaliw ay nasa likod niya lang ang misis na si Jennylyn Mercado na hindi aware sa kanyang ginagawa.

Kaya naman ang caption niya, “walang kamalay malay asawa ko, Nakapag tiktok na ako.”

Sa ngayon ay umaani na ng 2.5 million views ang nasabing video at more than 1,000 comments sa loob lang ng isang araw. Aliw na aliw ang netizens sa fact na nasa likod ni Dennis ang misis.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with