^

Pang Movies

Janno, nahabol sa takilya ang Rewind!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Janno, nahabol sa takilya ang Rewind!
Janno

Pinatawa ni Janno Gibbs ang mga nakabasa ng post niyang “Now the highest grossing movie of all time” na ang tinutukoy ay ang pelikulang pinagbidahan niya at dinirehe na Itutumba Ka Ng Tatay Ko. May pahabol siya na post, nakasulat sa bandang baba at ang sabi, “In my Dreams” na ibig sabihin, nagbibiro lang siya.

Sa caption ng kanyang post, mababasa ang “IssaPrank. Pero honestly, sobrang saya ko po! Pangarap ko lang dati ang magdirek ng sariling pelikula; hindi para magpasikat... kundi magpasaya lamang. Ang inyong pagtangkilik sa aking unang sabak ay nakaukit na sa aking puso.”

May mga nagulat sa post niya at akala raw niya, natalo ng pelikula ni Janno ang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, hanggang nakita niya ang dagdag na post nito.

Pinost din niya ang review ng Movie Review na positive ang mga sinabi : “smooth flowing, may story developemt and you know, mas may ikakasa pa sa next films,” banggit sa review.

Dennis, ginugulo ulit si Julia?!

Wrong timing para sa marami ang post ni Dennis Padilla patungkol sa anak na si Julia Barretto dahil nasa gitna ng promo ng movie nina Julia at Aga Muhlach na malapit na ang showing. May post kasi si Dennis na nanawagan kay Julia dahil matagal na raw niyang hindi nakakausap. “Dearest July... Hindi ko matandaan kailan tayo huling nagkita... Always praying for more blessings... Good luck sa new movie mo.”

In fairness, wala naman siyang masamang sinabi at nag-good luck pa nga sa new movie nito, kaya lang, para sa netizens, wrong timing ito at si Julia na naman  daw ang mapapasama. Lagi raw itong wrong timing dahil dapat, noong January siya nanawagan sa anak.

Actually, mauuna pa ang airing ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na kasama si Dennis sa cast dahil sa Feb. 4, 7:15 p.m., na ito. Sa Feb. 7 naman ang opening ng movie nina Julia at Aga Muhlach na Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko.

Mga alagang aso ni Heart, fashion influencer na rin!

Magpapasabog si Heart Evangelista this February at sinimulan niya ito sa cover niya para sa 32nd anniversary ng MEGA magazine. Ang ganda ng photos niya at sa cover, iisipin kung paano niya naisuot ang mga nasabing gown.

Ang positive rin ng mga comment gaya ng lagi siyang may upgrade, tinawag siyang “Queen of Fashion” at to die for daw ang creation ng fashion designer. Ang ibang walang masabi, pinusuan na lang ang post niya.

Samantala, fashion influencer na rin ang pet dogs niya dahil sa mga branded na suot galing sa Gucci, Prada at Chanel. Ang suwerte raw ng three dogs na alagang-alaga na sila, branded pa ang mga gamit. Nakabasa na naman kami ng “sana aso na lang kami.”

Anyway, ang isa pang pasabog niya ay ang muli nilang pagpapakasal ng asawang si Sen. Chiz Escudero na siguradong big affair na naman.

vuukle comment

JANNO GIBBS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with