^

Pang Movies

Heart, dinetalye ang paglayas ng kanyang glam team!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Heart, dinetalye ang paglayas ng kanyang glam team!
Heart
STAR/ File

Ilang buwan na rin ang nakakaraan simula nang mapabalitang nag-resign ang glam team ni Heart Evangelista but as we all know, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagsasalita kung ano ba talaga ang buong pangyayari.

Narinig na natin ang side ng isa sa glam team ni Heart at hindi na ito sinagot ng aktres although panaka-naka ay may mga hugot siya sa kanyang mga post at live feed.

Sa latest vlog ni Heart ay muling napag-usapan ang tungkol dito at for the first time ay may kaunting detalyeng nai-reveal ang aktres at kaibigang si Arnold.

It started nang mag-dialogue si Heart ng “you cannot trust anybody. Only yourself and just a chosen few especially if they want more.”

Sabi pa niya, “but if they want to do other clients, wala namang problema. Just tell me naman because ako bawal, kayo pwede? Bawal ako mag-react?”

Sinabi naman ni Arnold na nag-resign daw sa pamamamagitan ng sulat ang team ni Heart.

“Naging influencers kayo dahil kay Heart, mga bakla kayo, mag-reresign kayo.. Sulat? Kapal naman ng mukha nyo. Pwede nyo naman kausapin yung tao. May magagawa pa ba siya kung gusto niyo na siyang iwan? Pero sana namili kayo ng maayos na paraan,” sey ni Arnold.

“True,” sagot naman ni Heart.

Lolit at Bea, nagkaayos na!

Finally, pagkatapos ng mahigit isang taon ding hindi pagkakaintindihan ay nagkaayos na at nagkabati si Bea Alonzo at ang veteran talent manager/showbiz columnist na si Lolit Solis.

Naganap ito kahapon sa CelebReit birthday mediacon ng founder and CEO ng Beautederm na si Rei Anicoche Tan.

Lumapit si Nay Lolit habang nasa stage sina Bea at Miss Rei at kaagad namang tinanggap ng aktres ang pagri-reach out ng talent manager/writer.

Nagyakapan ang dalawa at nag-sorry nang harapan si Nay Lolit kay Bea sa lahat ng mga naisulat at nasabi niyang hindi maganda sa aktres.

“Ever since naman, apologetic  ako sa kanya sa lahat ng kagagahan ko. Kahit noon pa, sinasabi ko, kahit saan ko siya makita, magso-sorry ako. That time, pinaglaruan ko lang dahil naiirita ako sa taong malapit sa kanya,” sey ni Nay Lolit.

Ayon naman kay Bea, masaya rin siya sa pagkakaayos nila lalo pa nga’t malapit na ang Pasko.

Para naman kay Miss Rei, ang pagkakabati ng dalawang taong malapit sa puso niya ang pinamagandang regalo sa kanyang kaarawan.

 

vuukle comment

BEA

HEART

LOLIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with