^

Pang Movies

Matteo, nilantad kung ba’t matatag ang pagsasama nila ni Sarah

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Matteo, nilantad kung ba�t matatag ang pagsasama nila ni Sarah
Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Nag-share si Matteo Guidicelli ng sikreto sa matatag na relasyon nila ni Sarah Geronimo bilang mag-asawa, at kung paano nila inaayos ang problema sa kanilang pagsasama.

“I always like asking older people or people that have more experience, that’s been in the marriage game for a long time. I always ask them, ‘Ano po ang sikreto sa isang successful na marriage?’ And they always say ‘respect, listen to one another.’ But the one thing that always stands for me, ‘yung Matteo, God, Sarah. Always put God in the middle, that’s very important. When you have God in the middle, respect comes, collaboration comes, love comes,” sey ni Matteo sa tatlong taong pagsasama nila ni Sarah.

At kahit daw ngarag sa trabaho si Matteo, he makes sure na makakauwi siya sa bahay para sabay silang matulog ni Sarah sa gabi at sabay rin silang magigising sa umaga.

“Going through life together, dreaming together, working hard together to achieve those goals, those dreams that both have,” sey pa ni Matteo na busy sa GMA shows niyang Unang Hirit at Black Rider.

Todo rin ang promotion ni Matteo ng pinagbibidahan niyang Penduko para sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Rufa Mae, normal ‘pag kapiling ng asawa

Simple at masaya ang buhay ni Rufa Mae Quinto sa Amerika. Kapag nandun daw siya, very mother daw siya na uma-attend sa school activities ng anak na si Alexandria Athena.

“Yes, very mother ako doon. Hinahatid ko si Athena sa school tapos active din ako sa ilang programs sa school kasama ang ibang parents.

“Ibang-iba ako doon kasi hindi ako celebrity doon. As in, normal na mommy ako doon tulad ng iba roon. Nagustuhan ko nga kasi ang dami kong time with my daughter,” sey ni Rufa Mae.

Nandito ngayon sa bansa ang Kapuso comedian dahil kasama siya sa latest offering ng #SparkleU na #Ghosted kunsaan bida ang Team Jolly nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

 

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with