Kathryn nirampa ang kaseksihan sa Seoul Drama Awards
Ang ganda ni Kathryn Bernardo nang tanggapin ang Outstanding Asian Star Award sa 2023 Seoul International Drama Awards.
Si Belle Mariano ang nanalo last year ng nasabing award.
Suot ni Kathryn ang white sexy gown sa red carpet nito.
Siya ang nag-iisang Pinoy na nominado para sa Outstanding Asian Star Award kung saan ay nakalaban niya ang Korean stars na tulad nina Song Hye-kyo, Song Joong-ki and Park Eun-bin.
Kabilang din ang mga nominado ang iba pang Korean stars tulad nina Lee Je-hoon at Yoon-ah; Lai Ter-Chien, Wanghedi and Shuxin Yu ng China; Nichkhun ng Thailand; Tsuyoshi Kusanagi and Kento Yamazaki ng Japan; Vivian Sung ng Taiwan.
Dennis at Bea, nakahanap ng tamang pagmamahal
Nahanap na nina Bea Alonzo at Dennis Trillo ang tamang pag-ibig sa maling oras sa mapapanood nang Love Before Sunrise.
Pero paano kung bumalik sa buhay mo ‘yung umalis na? Bibigyan mo ba ng second chance or forever goodbye na?
Ganito ang tatahakin nina Bea and Dennis sa isang extraordinary story about lost love and missed chances.
Ang romantic drama series ay ang pinakabagong collaboration ng GMA Network at ng video streaming service na Viu.
This also marks the reunion of Bea and Dennis. Joining them are Sparkle leading lady Andrea Torres and award-winning actor Sid Lucero.
Streaming 48 hours in advance on Viu Philippines starting this Saturday, Sept. 23, and premiering on Sept. 25 on GMA Telebabad.
Pagkatapos ng ilang taon, their paths cross again, and they regret losing each other after both ended up in unhappy marriages. Nagiging mas komplikado ang mga bagay habang sumusuko sila sa kanilang namumuong damdamin at pinipiling ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan sa isang ipinagbabawal na oras.
Adding more color to the story are Sparkle stars Sef Cadayona, Rodjun Cruz, Vaness del Moral, Vince Maristela, Jose Sarasola, and Cheska Fausto.
Kasama rin sa cast nito ang some of the country’s most respected artists in film and television: Tetchie Agbayani, Ricky Davao, Jackie Lou Blanco, Isay Alvarez, Nadia Montenegro, and Matet de Leon.
Sa totoong buhay hindi ito mararanasan nina Dennis at Bea dahil kapwa maligaya ang kanilang love life.
Si Dennis ay buo na ang pamilya habang si Bea ay ikakasal na raw next year.
Anyway, hindi na bago kumbaga ang tambalan nila.
Maaalalang sabay silang pinakilala sa Batch 10 ng ABS-CBN Star Circle 20 years ago.
At after two decades nagtagpo ang kanilang tadhana.
Sabay na ipinakilala sina Dennis at Bea bilang miyembro ng Star Circle Batch 10 sa ABS-CBN and after 20 years, muli nga silang pinagtagpo at itinadhanang makagawa uli ng proyekto together.
Pero may ilangan daw sila sa umpisa. “May ilangan, ‘yung sa first day sa set namin,” pag-amin ng actress.
“Parang at first, medyo mahirap siya kasi siyempre kailangan niyo munang makilala ulit ‘yung isa’t isa.
“But then we’re professional actors so we got over that easily. We had to make the scene work. I just feel na nakatulong din ‘yun, kasi nga sabi ko kanina, may sense of him being familiar to me. ‘Yung tingin niya, ‘yung hawak niya, somehow I feel familiar,” dagdag ni Bea.
Creative Development Consultant si Ricky Lee and directed by Mark Sicat Dela Cruz, together with Associate Director Carlo Cannu.
- Latest