^

Pang Movies

Ricci, inakusahang cheater!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ricci, inakusahang cheater!            

Inamin na ni Ricci Rivero na hiwalay na sila ni Andrea Brillantes. Sa pamamagitan ng isang tweet, kinumpirma ng basketbolista kahapon (Friday) ang breakup bagama’t wala siyang binabanggit na pangalan.

Ayon kay Ricci, hindi raw niya pinaalam agad ang breakup sa publiko dahil ayaw na niyang madagdagan pa ang kanilang pinagdadaanan.

“I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through. Please res­pect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship,” pahayag ng basketbolista.

Kasunod nito ay umapela siya na sana raw ay huwag nang mandamay pa ng ibang tao sa kanilang hiwalayan at humingi ng paumanhin sa publiko.

“I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations. I am sorry for whatever disappoinments it may have caused you,” patuloy niya.

Nakiusap din siya na bigyan sila ng panahon para mag-heal at makapag-move on nang maayos.

“For everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain,” pagtatapos ni Ricci.

Bago pa man ang tweet na ito ay lumulutang na ang balitang hiwalay na sina Ricci at Andrea dahil na rin sa post ng basketbolista na IG Story ng beauty queen/politician na si Leren Mae Bautista.

Makikita rin sa Instagram page ni Councilor Leren na magkasama silang nag-celebrate ng birthday ni Ricci at namahagi ng mga pagkain sa Los Baños, Laguna noong May 26.

Dahil dito ay bumuhos ang galit ng netizens at inakusahan si Ricci na nag-cheat kay Andrea. Bumuhos ang simpatiya at suporta sa aktres habang si Leren naman ay katakut-takot na pamba-bash na nararanasan dahil siya ang itinuturong third party sa breakup.

Last April lang ay nag-celebrate pa ng 1st anniversary sina Ricci at Blythe (real name ni Andrea) kaya lalong tumibay ang hinala ng netizens na nag-cheat ang basketbolista sa GF.

Ilan sa mga komento ng netizens ay ito:

- Bkit mo repost igs nyu ng girl alam mo nman dimo pa clear status ng relasyun mo natural madami masasaktan tapos may pa delete pa din bkit mo igs yun public pa nman relasyun nyu ni blythe so anu eneexpect mo natural dami masasaktan.

- False accusation daw! hahahaha ewan ko sayo. nasa bakasyon kayo ngayon ni LEREN. May healing ka pang nalalaman dyan. Hindi mo alam ibig sabihin nun cheater ka eh.

- We all know na hindi namin alam buong story behind your break up, pero super disappointed talaga kaming mga fans ni andrea sayo omg ka! We love blythe and she deserves better.

-Wow naman may peace of mind ka pang nalalaman CHEATER

- Kawawang Andrea Sana maka move on ka na.. Focus lang sa work.. Kaya mu yan Andrea may Dios guide sayo.. Lahat kami nag mamahalin sayo.. Take care always yourself.. RICCI.. mag move on na para walang masaktan.. Ingat ka.

- Taas ng tingin ko sa mga beauty queens kaso biglang…

- We love you Blythe! We got your back. ALWAYS.

- You deserve better Blythe.

- Kahit naiinis ako sakanya kasi minsan cringe siya, but still she doesn’t deserve to be cheated on. Bata ka pa naman blythe I hope makatagpo ka ng lalaking tatrato ng tama sayo but for now heal yourself muna.

vuukle comment

RICCI RIVERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with