^

Pang Movies

Bea, nagsalita sa engagement nila ni Dominic!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Bea, nagsalita sa engagement nila ni Dominic!                
Dom at Bea

Nilinaw na ni Bea Alonzo ang tsikang engaged na sila ng boyfriend na si Dominic Roque. Lumutang ang nasabing balita nang ibahagi ng celebrity couple kamailan sa kanilang Instagram ang mga larawan na kuha mula sa romantic getaway nila sa isang beach with matching candle light dinner pa.

Kaagad naghinala ang fans and netizens na nag-propose na si Dominic kay Bea.

Sa panayam ng GMA 7 sa aktres, nilinaw niyang hindi pa sila engaged ng boyfriend.

“’Yun, picture ‘yun noong nagpunta kami sa Amanpulo. Akala ng mga tao na engaged kami. Hindi, hindi pa po,” sabi ni Bea.

Sa mga naunang panayam ng aktres ay lagi niyang sinasabi na hindi pa siya ready sa ngayon na mag-asawa at ayaw nilang madaliin ang ganitong bagay.

Marian, may sepanx na sa mga anak

Tuloy na tuloy na nga ang pagbabalik sa primetime ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera matapos ang apat na taong pamamahinga sa paggawa ng teleserye.

Nagkaroon na ng story conference ang comeback series na pagbibidahan nila ni Gabby Concepcion at excited na dumalo si Marian.

Dahil four years nga siyang hindi nagtrabaho, ang dami raw bagong mukha siyang nakita sa storycon.

“Looking forward ako na makatrabaho sila,” sey ni Marian sa panayam ng 24 Oras.

Kasama rin sa cast sina Max Collins, Gabby Eigenmann, Kiray Cellis, Buboy Villar at marami pang iba.

Excited din daw siya dahil dalawa ang kanyang karakter sa serye, na isang alien at isang tao.

“Na-excite ako kung paano ko gagawin ang karakter niya as alien, eh. Siyempre, bago ‘to sa akin, first time kong gagawin. So, pag-aaralan naming mabuti kung paano ‘yung magiging hitsura niya as an alien,” tsika ni Marian.

‘Yun nga lang, hindi pa man nagsisimula ang taping ay nagkakaroon na siya ng sepanx (separation anxiety) sa kanyang dalawang anak na sina Zia at Sixto.

“Kanina lang papunta ako dito, sabi ko ‘Totoo na ba ito? Itutuloy ko ba?’” sabi niyang natatawa.

“Pero feeling ko naman, mao-overcome naman kasi sinasabi ko rin sa mga kids din na magwo-work muna si mama for a while, for a while lang naman,” sey pa ni Yan.

As usual, kapag nagsimula na ng taping si Marian ay ang mister naman niyang si Dingdong Dantes ang magbabantay sa mga bata.

“Kailangan ‘pag ako may work, adjust siya. ‘Pag siya, adjust din ako. So kailangan mayroong isa sa mga bata talaga. ‘Pag wala talaga, andiyan naman si mama tsaka mom ni Dong na para tulungan kami,” sabi ng aktres.

vuukle comment

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with