^

Pang Movies

OGs ng EB, abala sa pagbabalik!

Joe Barrameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Tito Sen (Sotto) ang press release ng Media Quest na ang TV5 ang bagong tahanan ng original Eat Bulaga. Kaya abala sila sa paghahanda ng pagbabalik live nila.

Kung sila raw ang masusunod ay gusto na nilang magbalik sa ere ngayong June pero marami silang preparasyon kasama ang production staff sa pagbuo muli ng programa at may mga bagong segment daw sila na ihahandog.

Sinisiguro ni Tito Sen na lalo pang matutuwa ang loyal televiewers sa mga idadagdag nilang segment.

Hindi raw napapanood nila Tito Sen ang EB na umeere ngayon at abala nga sila sa paghahanda ng pagbabalik nila.

Natanong si Tito Sen kung may posibilidad na maibalik si Keempee de Leon?

Sa ngayon ay ang mga original host na sumama sa kanila ang una nilang aasikasuhin.

Pag-uusapan daw nila ni Joey de Leon ang tungkol dito.

Hindi man binanggit ni Tito Sen ang tungkol sa trademark ng Eat Bulaga ay isa ‘yun sa inaasikaso nila ngayon.

Alam din daw ng TVJ ang loyalty ni Alden Richards at kung wala lang daw kontrata si Alden sa GMA ay welcome na welcome sa kanila sa pagbabalik ng original at Bulaga sa TV5.

Maski si Maine Mendoza ay kasama nila na mag-uumpisa sa July 1.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with