^

Pang Movies

Alden, nagsalita sa patutsada sa Eat Bulaga!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden, nagsalita sa patutsada sa Eat Bulaga!
Alden Richards

Nilinaw ni Alden Richards na walang kinalaman sa Eat Bulaga ang post niya sa kanyang Instagram Story.

Last Monday kasi na timing naman sa first broadcast ng bagong Eat Bulaga sa GMA 7 ay nag-IGS si Alden ng ‘face palm emoji’ na ginagamit “to display frustration or embarrassment at the ineptitude of a person or situation.’

Sa interview ni MJ Marfori ng TV5 kay Alden noong Monday night ay natanong niya ang aktor kung bakit ganu’n ang kanyang IGS.

“May pinagdadaanan lang, personal, pero small things lang naman. Nothing that I can’t handle,” paliwanag ni Alden.

Natanong siya ulit kung hindi professional-related ang pinagdadanaan, at sagot ng aktor, “no, it’s not.”

Kasunod na tanong, “hindi tungkol sa Eat Bulaga?” at mabilis na sagot ni Alden, “no, of course not, hindi po, hindi po.”

Hiningan din ng message si Alden para kina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon (TVJ) at nagpaunlak naman ang aktor. Dito ay sinabi niya na kahit ano ang mangyari ay mananatili ang loyalty niya sa mga ito.

“TVJ, know that kahit ano pa man po ang mangyari, my loyalty, ‘yung sarili ko is for them,” he said.

Dagdag pa ng Asia’s Multimedia Star, malaki raw ang utang na loob niya sa TVJ at hindi niya ito makakalimutan.

“I’m always looking back du’n sa mga taong nakatulong sa akin nang malaki and I think, I have the right to defend that and that’s my stand. Because malaki po ang utang na loob ko sa kanila and my support for them will go until the end of times,” he said.

Sharon, naalala sa baguhang si Lizzie

Masayang-masaya at halos hindi makapaniwala ang 15-year-old newbie singer na si Lizzie Aguinaldo na isa na siyang contract artist ng Star Music at mayroon nang sariling single.

Sey niya sa grand media launch ng kanyang single na Baka Pwede Na composed by direk Joven Tan, dream come true para sa kanya na makapag-record ng sariling kanta. “Dati kasi sa restroom lang ako kumakanta. Ngayon, nakapag-record na ako ng song sa totoong studio,” masayang sabi ni Lizzie.

Sa mediacon ay inawit ni Lizzie ang kanyang single at ipinakita rin sa press ang music video. Nakaka-LSS (last song syndrome) ang song at parang naaalala namin sa kanya si Sharon Cuneta na ganyang edad din nang mag-debut as a singer via Mr. DJ.

“Noong una ko pong nakita ‘yung lyrics, na-in love po agad ako sa song. I said, ‘Wow! Ang bilis naman magsulat ng song ni direk Joven Tan. I’m into pop music, at idol ko po ang Dua Lipa, at gusto kong i-try itong ballad na mayroong touch ng pagka-cute,”sey ni Lizzie.

“I hope people would jam with whenever nasa mood na kinikilig or moment po na naaalala po ‘yung crush nila especially po sa generation ko. It is simple but it sets the whole vibe po,” dagdag pa ng apo ng unang Presidente ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo.

Malaki ang pasasalamat ni Lizzie sa Star Music sa suporta at pagtitiwala na ibinigay sa kanya. Present nga sa kanyang launching si Jonathan Manalo, creative director of ABS-CBN Music. Nagpapasalamat din si Lizzie sa kanyang mga kaibigan, kaklase, at sa kanyang buong pamilya na sinusuportahan ang kanyang pangarap.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with