^

Pang Movies

Angelica at Gregg, may save the date na ang kasal!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Angelica at Gregg, may save the date na ang kasal!
Gregg, Amila at Angelica

Inanunsyo na ni Angelica Panganiban and fiancé Gregg Homan na ikakasal na sila next year. Ginawa nila ang announcement sa kanilang YouTube channel na The Homans.

Ani Gregg, “we were going to get married last year pero we wanted to make Bean a part of it.”

Si baby Bean or Amila Sabine ang kanilang anak na ngayon ay eight months na.

“So we are going to do it early next year. We are looking at places locally to do it. But I am excited for it,” dagdag ni Gregg.

Sey naman ni Angelica, dalawang beses na raw nila napo-postpone ang wedding.

“Parang twice na naming dinelay ‘yung wedding. Last year and this year, dapat aalis tayo. Ilang beses naming triny mag-elope pero parang ayaw ng mundo na itago namin. Malakas magdasal ‘yung mga kaibigan ang family members namin. So ngayon mukhang matutuloy na siya,” tsika ni Angelica.

Mayroon na raw silang date at ipinaalam na nila ito sa mga kaanak at kaibigan.

“Meron na kaming save the date, sinabi na namin siya sa mga kapamilya namin abroad para makapagtipid na sila, makapag-ipon na. Sa mga friends namin na sobrang busy ‘yung schedule nila sa life, marami silang commitments, inunahan na namin sila na i-save na ‘yung araw na iyon,” pahayag ng aktres.

Natawa naman si Gregg nang sabihin ni Angelica na “so, finally pakakasalan ko na ito kasi talagang dead na dead sa akin. Pagbibigyan ko lang ng isang malakasan.”

Bagama’t hindi sinabi ng dalawa ang date ng wedding, ayon kay Angelica ay may clue naman silang binigay kaya kaya na raw ma-figure out ito ng mga tao.

Sa isang bahagi ng vlog ay nabanggit kasi nila ang kahalagahan ng oras na 5:20 p.m. na laging oras ng kanilang video upload sa kanilang channel. Ito raw ang exact time na tinanggap ni Angelica ang proposal ni Gregg.

So, ang hula ng netizens, May 20 ang kasal nina Angelica at Gregg.

Joey, kinumpirma ang pagbalik ng TVJ sa TV5!

Tila nagbigay ng hint si Joey de Leon kung saang network sila lilipat nina Vic and Tito Sotto.

Sa kanyang Instagram post kahapon ay may binanggit siyang “five” so, ipinalagay ng netizens na clue na ito.

“Sabi ko noon, we are not signing off, we are just taking a day-off. In other words, pahinga muna. In Engish, TAKE FIVE!” ang pahayag ni Joey.

“Yown!!! TV5 na!!!” ang komento ng isang netizen.

“Yahoo!!! Is that a confirmation??give me 5 sa TV5 #dabarkads,” sey naman ng isa pang follower.

Marami naman ang natuwa na malapit na ulit nilang mapanood ang TVJ at ngayon pa lang ay nagpakita na ng suporta ang kanilang fans.

“TVJ since 1979, when I was just a child ! Yes will follow you wherever station you go!” komento ng isa na sinundan ng marami pang netizens.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with