^

Pang Movies

Paolo, inaming may ginawang mali kay LJ

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Paolo, inaming may ginawang mali kay LJ
LJ

Inamin ni Paolo Contis na malaki ang naging partisipasyon ng pandemic sa hiwalayan nila ni LJ Reyes.

“Lahat naman ng relasyon, may ups and downs. But I can say that during the pandemic, it was just not easy for us, pahayag ni Paolo sa panayam niya sa Updated with Nelson Canlas podcast.

“Siguro, I’ll leave it at that. Again, it will never justify what I did, it will never justify kung saan siya napunta. Ang mali ko diyan is we never really had a good conversation to talk about everything. Nagkaroon na ng ano.

“Pero siguro, sa mga couples na nakaranas ng pandemic, isa kami sa mga nahirapan during the pandemic,” dagdag ni Paolo.

Naging magkaiba raw sila ng paraan in facing the pandemic at aminado siyang naging insensitive rin daw siya noon sa kanyang partner.

“It’s just, iba ‘yung way ko of facing the pandemic, dealing with the pandemic. Iba rin ‘yung sa kaniya. And ako, masasabi ko na somehow, I was insensitive about how she felt about the pandemic. And I think ‘yon, mali ko rin ‘yon,” aniya.

Lahat naman daw ng bagay either hiwalayan or kaligayahan ay may pinanggagalingan.

“But again, some people face it or deal with it better, some people deal with it poorly. I cherish everything naman na pinagdaanan ko, especially the happy days. Of course, lahat ‘yon, okay ‘yon,” sey pa ng aktor.

Pero aminado rin siyang ang huling relasyon niya ay hindi niya talaga na-handle nang maayos.

“But again, as I always say, I believe that my last relationship, ‘yan ‘yong pinaka-kumbaga, poorly handled ko, that I can say,” aniya.

Nasaktan din daw siya na may mga tao siyang nasaktan.

“If only I could have, you know, fixed it better na hindi siguro naging ganu’n kalaki ‘yung impact. Kasi maraming nasaktan, hindi lang naman isang tao. So, maraming nadamay. So, para sa akin, that was my mistake,” he said.

Gma Exec, nahirapang pakawalan ang TVJ

Nilinaw ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes na walang pinapanigan ang istasyon sa isyung namamagitan ngayon sa Eat Bulaga hosts at sa TAPE, Inc. na siyang producer ng said noontime show.

Aniya ay wala raw control ang network sa mga nangyayari partikular na nga ang paglisan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) at ng iba pang Dabarkads host.

“It was beyond our control, kung may control lang tayo, kung may say tayo sa mga nangyayari, siyempre hindi natin sila papakawalan,” pahayag ni Atty. Annete sa panayam ng 24 Oras.

“Pipigilan natin sila, susubukan nating gawin ang lahat para mag-stay sila sa atin. Kaya lang, sa totoo, hands-off ang GMA diyan, it’s an internal issue between TVJ and TAPE Inc,” dagdag ng executive.

Itinanggi niya ang tsismis na kampi raw ang GMA 7 sa pamilya Jalosjos na major owner ng TAPE, Inc.

“From the start,  wala talagang kinampihan ang GMA dito, katulad nga ng sinabi ko, it was their internal issue, it wasn’t a corporate issue,” aniya.

Kasunod nito ay nilinaw rin niya ang negosasyon sa pagitan ng GMA 7 at TAPE, Inc. since may mga naguguluhan pa rin hinggil sa bagay na ito.

“Ang contract kasi ng GMA is with TAPE, wala kaming contract with TVJ as talent or as kasama ng TAPE. Ang contract na ito ay isang block time agreement ang ibig sabihin nito ay parang umuupa sila ng noontime slot sa atin, sa GMA,” paliwanag ni Atty. Anette.

Wala raw bad blood between GMA and TAPE, Inc pati na rin sa TVJ at sa iba pang Dabarkadas na umalis. In fact, bukas daw ang pintuan ng network para sa hosts at may show pa nga raw sina Bossing Vic at Jose Manalo sa Kapuso.

“I fervently believe that it won’t change because iba naman ang GMA, iba naman ang TAPE. Labas ang GMA sa issues nila with TAPE. Hindi naman sila umalis ng GMA, sa totoo umalis lang sila dun sa show na pino-produce ng TAPE,” aniya.

Sa ngayon ay naghihintay lang daw sila kung kailan magbabalik sa ere ang Eat Bulaga dahil nasa kontrata raw ng TAPE, Inc. na kailangan nilang mag-produce ng show sa timeslot na nakalaan sa kanila.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with