^

Pang Movies

Paul Salas, ginulo ang lugar nila Mikee

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Paul Salas, ginulo ang lugar nila Mikee
Paul at Mikee
STAR/ File

Ginulo ng ilang Kapuso actors ang basketball court sa 5 o’clock sa Honradez St. Sampaloc, Manila nung Biyernes nang hapon para sa isang exhibition game.

Sponsored ito ng Quintos fam nina Konsehal Atty. Lady Quintos, kapatid ni Mikee Quintos, at ang dad niyang si Atty. Wardee Quintos.

Siyempre pa, punong abala ang BF ni Mikee na si Paul Salas. Ilan sa Kapuso actors na nakilaro ay sina Kristoffer Martin, Kokoy de Santos, Royce Cabrera, Niko Co, Migs Villasis at Buboy Villar.

Present of course si Mikee na naghandog ng kanta sa lahat.

Base sa sigawan at palakpakan ng mga tao, gusto nila sina Paul, Kristoffer, Kokoy at siyempre si  Buboy bukod sa pagba-basketball ay may pakuwela pang umakyat sa court at lumambitin sa ring!

Nag-astahan pa sina Paul at Kokoy na tila magsusuntukan pero drama lang pala nila ‘yon!

Of course, pakikisama at tropa-tropa ang mga naglaro at walang kabayaran ‘yon!

Masayang nag-uwian ang lahat dahil naging mahalaga ang Pista ng Santisima Trinidad nung Biyernes nang hapon!

Malaking tulong ito sa political plans ng mga Quintos sa 4th District ng Sampaloc!

Congratulations kay Punong Barangay Janet Alcoran at sa lahat ng officials led by Kagawad Ramon Alcoran, Jr. at ang members ng 1 Feedom Society!

Pokwang, magiging host ng Eat Bulaga

Balitang inaawitan daw si Pokwang upang maging isa sa hosts ng ipapalit sa nag-resign na hosts ng Eat Bulaga.

Siyempre, matunog din ang ilang Sparkle artists maging bahagi ng show lalo na’t hanggang 2024 pa ang kontrata ng TAPE, Inc. sa GMA.

Gagawin sanang poste sina Allan K, Jose Manalo at Wally Bayola.

Sad to say, sumama sila kina Tito, Vic Sotto and Joey de Leon kaya abangers na lang sa magiging hosts ng Eat Bulaga after ng two weeks na time frame upang mag-live muli ang programa!

vuukle comment

LADY QUINTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with