^

Pang Movies

Ryan Christian ni Ate Vi, ‘di mapilit sa showbiz

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Ryan Christian ni Ate Vi, �di mapilit sa showbiz
Vilma at Ryan

Nalalambing din ni Vilma Santos-Recto ang asawang si Senator Ralph Recto na magsayaw. Eh alam naman ninyo si Ate Vi, ang malaking bahagi ng buhay niya ang pagsasayaw lalo na noong pandemic days.

“Kapag nababarek (umiinom), nalalambing ko siya. Pero for our own eyes lang! Ha! Ha! Ha!” sambit ni Vilma nang makausap namin via Zoom sa Marites University.

Tapos na ang shooting ng comeback movie ni Ate Vi na halos sa Japan kinunan ang kabuuan. Si Christopher de Leon ang kapareha niya na comeback film nila as a team after ng isa sa Mano Po series.

“Hindi pa rin kasi nawawala ang chemistry namin. Sinigurado namin sa movie naming ito, wala kaming eksenang kapareho ng ginawa namin sa past movies namin,” pahayag pa ni Ate Vi.

Magbabakasyon muna sa States si Vilma upang makasama ang mga kapatid. Pagbalik niya, ang movie with direk Erik Matti ang susunod niyang gagawin.

Teka, kumusta pala ang anak nila ni Sen. Ralph na si Ryan Christian?

“Naku, he’s enjoying his privacy. Okay na ‘yung si Luis (Manzano) ang nasa limelight. Si Ryan, studies ang priority niya,” saad ni Vilma.

Ano ang feeling niya at hanggang ngayon ay mabenta pa rin siya sa movies at commercials.

“I am blessed dahil hanggang ngayon eh marami pa ring nagtitiwala at nagmamahal sa akin. Nariyan pa rin kayo na nakasama ko mula noon hanggang ngayon,” bulalas ni Ate Vi.

TAPE vs. TVJ, tuloy na sa korte

Usaping legal na ang pinag-uusapan matapos maglabasan ang statements kaugnay ng pagpapaalam ng Eat Bulaga hosts sa producer ng show na TAPE, Inc.

Ang Divina Law Office ang tila kinakausap nina Tito, Vic Sotto and Joey de Leon. Ang partner ng law office na si Atty. Enrique “Buko” de la Cruz ay nag-share ng litrato na kasama niya ang TVJ.

Hmmm, may kinalaman kaya ito sa title ng show na Eat Bulaga kung kanino ito mapupunta?

Dalawang linggo ang balita naming patatapusin bago magkaalaman na kung ano ang mangyayari sa nag-resign na Eat Bulaga hosts at ang bagong management na mamamahala sa show!

vuukle comment

VILMA SANTOS-RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with