^

Pang Movies

Mga nasa laylayan ng Eat Bulaga wala raw nakuhang back pay, nagbabalak magreklamo sa Labor?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Mga nasa laylayan ng Eat Bulaga wala raw nakuhang back pay, nagbabalak magreklamo sa Labor?!
EB Host

Matapos ang nadamang lungkot sa paghihiwalay ng Tito, Vic, and Joey at ibang hosts ng Eat Bulaga sa TAPE, Inc., magkakaroon ng bagong pag-asa ang loyal viewers ng programa kapag nakalipat na sila saTV5!

Yes, sa TV5 nga ang balitang next station ng OG Dabarkads.

Ang balita namin, lahat ng hosts ay makakasama nina Tito, Vic, and Joey except sa baguhang si Carren dahil may kontrata ito sa TAPE. Siya ang winner sa Bida Next kaya may kontrata siya. Pero inaayos na ang dapat ayusin para makasama rin daw siya sa TV5, huh!

Sa totoo lang, ang original na plano last Wednesday, sa Bawal Judgmental ang announcement. Eh may nag-Marites sa bagong management kaya nabulilyaso at sa Facebook ginawa ang announcement ng kanilang pamamaalam.

Ang ilang apektado sa magaganap na paglipat ay ang ibang workers na nasa laylayan. Wala raw silang back pay kaya nag-iisip na magreklamo sa Labor.

At heto pa, may plano palang magiging bahagi umano si Mayor Bullet Jalosjos sa programa, huh! Kung napapanood ninyo ang Bulaga, namimigay ito ng ayuda sa kalye ng suwerteng taong maiispatan.

Pero ang malaking pagbabago umano ay may susulpot na rider kapag bigayan na ng datung at si Bullet ang lalabas para ibigay ang tulong. Parang super hero ang dating ng rider!

Ang bali-balita, balak daw umanong tumakbo bilang senador ni Mayor Bullet sa election! O, tsismis lang ‘yan, huh! Abangers na lang tayo sa mangyayari.

Manood pa rin ng Eat Bulaga para malaman kung replay o fresh ang episode ihahain sa manonood!

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with