^

Pang Movies

Paolo, lusot na kay LJ?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Paolo, lusot na kay LJ?!
LJ Reyes
Photo by Nice Print from LJ Reyes’ Instagram account

Masaya na raw si Paolo Contis na engaged na ang ex niyang si LJ Reyes kay Philip Evangelista na isang non-showbiz guy. Natural matutuwa siya dahil kahit na hindi niya sustentuhan ang anak nilang si Summer tiyak na mabubuhay naman iyon nang tama. Hindi ba ganyan din naman ang kanyang reaksiyon nang mag-asawa na si Lian Paz. Hindi ba ang sinasabi niyang plano ay mag-iipon siya para kay Summer at paglaki noon ay ibibigay niya sa anak niya? Eh lalaki ba naman ang anak niya nang ganoon na lang? Para niyang sinabi na bahala na muna si LJ at saka na lang siya kung malaki na ang anak nila.

Mabuti naman si LJ inisip ang sarili niya at ang katotohanang kailangan niya ng makakatuwang sa pagpapalaki sa dalawa niyang anak. Ngayon mailalagay na niya sa ayos ang buhay nila. Mahirap din naman ang kaso ni LJ, kasi hindi pa man may aakuin nang responsibilidad ang kanyang asawa.

Pero isang katunayan iyon na mahal siya ng kanyang boyfriend, kung hindi, hindi noon sasaluhin ang responsibilidad sa mga anak niya.

Suwerte na talaga si LJ, kung minalas man siya noon sa parehong P pa – Paulo (Avelino) at Paolo, at least natuto na siyang mamili ngayon kaya kasal na muna bago ang ano pa man. Lahat naman ng mga tao nagkakamali. Ang mahalaga natuto tayo sa ating naging mga pagkakamali at tapos ay ituwid natin ang ating buhay.

Ganoon naman ang ginawa ni LJ kaya binabati natin siya. Sa kaso ni Paolo, dapat matuwa siya, kahihiwalay pa lang nila ni LJ tinangay na niya si Yen Santos, “as a friend” sa Baguio. Ibig sabihin balewala sa kanya ang pag-alis ni LJ kasama ang kanilang anak. Saka natural lang namang matuwa siya na may nakita na ring iba si LJ, baka makagaan pa iyon sa kanyang kalooban, at makakabawas sa kanyang responsibilidad.

Quen at Liza, matagal nang hiwalay

Pinag-uusapan nila ang sinabi ng dating manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz na ayaw na raw ng dati niyang alaga kay Enrique Gil. At kahit na raw anong sabihin ni Quen wala nang pakialam si Liza. Hindi ba maliwanag na naman iyan nang iwanan niya si Enrique dahil sa ambisyon daw niyang magkaroon ng career sa Hollywood.

Noon pa man, itinapon na ni Liza ang walong taon nilang pagsasama bilang magka-love team, at mag-syota rin. Hindi nga kami magtataka kung isang araw ay lalabas ding naging mag-syota sina Liza at James Reid. Hindi ba si James Reid din naman siniyota at nakipag-live in pa kay Nadine Lustre nang apat na taon dahil mainit ang kanilang love team, tapos ano?

At least dahil sa ginawa niya ngayon, nakuha pa ni Enrique ang simpatiya ng publiko, mas sisikat pa iyon at makakuha ng mas matinong babae, pogi naman si Quen, pero si Liza ano bang future niya kung mara­ming galit sa kanya.

Direktor, may hawak na resibo sa male starlet

Na-shock ang male starlet nang malaman niyang hawak pa pala ni direk ang kanyang sex video na kinunan noon. Alam niya na basta kumalat ang katotohanang siya ay isang rent boy at ebidensiya nga ang mga video na iyon, wala na siyang pag-asang sumikat bilang artista.

Ang tanong may bakla ba namang magbabayad sa isang rent boy nang ganoon kalaki nang wala siyang hawak na souvenir, o ebidensiya ng kanyang binayaran? 

Ganoon na ang kalakaran ngayon, kaya ang sinasabi namin dapat nag-iingat din ang mga ganyang nagsa-sideline, at huwag nilang aasarin ang bakla baka kumalat ang ebidensiya.

vuukle comment

LJ REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with