^

Pang Movies

Eat Bulaga, magiging Dabarkads sa TV5

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Eat Bulaga, magiging Dabarkads sa TV5
Tito, Vic Sotto at Joey de Leon

Kahapon, May 31, ay nagkaroon ng major announcement ang Eat Bulaga!

Bago ang naganap na announcement, nakakakuha na kami ng ilang impormasyon sa aming reliable source.

Emosyonal na inanunsyo nina Tito, Vic Sotto at Joey de Leon na iiwan na nila ang TAPE, Inc. Hindi raw sila pinayagang mag-live sa TV kaya sa Facebook lamang sila ng Eat Bulaga nagsalita. Marami naman ang nalungkot sa kanilang pagpapaalam.

Ilan sa impormasyong nakuha namin, ay maiiwan sa TAPE, Inc. (producer ng show) ang title na Eat Bulaga.

Nagkaroon diumano ng mass resignation sa Eat Bulaga – from all the hosts down to production staff – at sa TV5 ang magiging bago nilang tahanan!

Ang magiging title na ng show ay Dabarkads dahil ang term na ito ay ang pumanaw na si Francis Magalona ang nagpauso habang nabubuhay at nasa show pa.

Eh dahil walang malaking studio ang TV5 na puwedeng magpapasok ng maraming tao, bale ang segment na Juan For All, All For Juan muna ang segment na sisimulan nila.

Pero ayon sa post ni Joey sa Instagram, “We’re not signing off…we are just taking a day off!”

Kung mapunta sa TV5, paano na ang It’s Showtime na 12nn na napapanood? Back-to-back with Dabarkads kaya ito?

Abangan na lang natin ang mga susunod na mangyayari sa programa.

Yasmien, handa na ulit mabuntis

Handa nang mabuntis muli nang sundan ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ang anak nila ni Rey Soldevilla.

Lumalaki na rin ang bata na tila nahihilig sa musika ayon kay Yasmien nang mag-guest sa kinabibilangan naming podcast show na Marites University.

Eh dahil mahilig kumanta, binigyan ni Yas ng voice coach ang anak. And presto, nagwagi siya sa singing contest sa school, huh!

Kararating mula sa Dubai ni Yasmien matapos gawin doon ang ilang eksena sa ginagawang GMA series na The Missing Husband. First time niyang gumanap bilang OFW kaya nalaman niya ang hirap ng isang OFW na nawawalay sa pamilya dahil sa trabaho sa ibang bansa!

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with