^

Pang Movies

Aktor hinihintay mag-propose kay Yen...Paolo masaya sa engagement ni LJ sa non-showbiz guy!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Aktor hinihintay mag-propose kay Yen...Paolo masaya sa engagement ni LJ sa non-showbiz guy!
Paolo at Yen

Sabog agad sa social media ang engagement ni LJ Reyes sa isang non-showbiz guy, si Philip Evangelista, sa New York.

Bible quote lang ang caption ni LJ sa series of photos nung lumuhod ang karelasyon para alukin siya ng kasal. “For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope.”

Jeremiah29:11 NLT”

Maraming masaya for LJ kabilang na sina Marian Rivera, Gary Valenciano, Cristine Reyes, Gary Valenciano, Carla Abellana, Andrea Torres at iba pa.

Early 2021 nang maghiwalay sina LJ and Paolo Contis dahil diumano kay Yen Santos.

Pumunta noon sa New York si LJ kasama ang dalawang anak kina Paulo Avelino and Paolo na ngayon nga ay panibagong P na naman.

Naka-private ang account ng fiance ni LJ kaya walang mapulot na info sa kanya.

Samantala, inabutan nga namin si Paolo sa dialysis session ni Nay Lolit Solis kahapon sa FEU Hospital.

Halos ayaw mag-comment ng actor tungkol sa engagement ng ex na si LJ kung saan naging kontro­bersyal ang kanilang hiwalayan.

Basta masaya lang daw siya para sa ex.

Ganundin siya sa pagtatanong namin tungkol sa binanggit former Gov. Chavit Singson na itanong sa kanya kung totoo ang tungkol sa kanila ni Yen Santos.

Nauna nang nabanggit ni Paolo sa interview na ayaw niyang ipilit ‘yung mga hindi happy sa relasyon nila ni Yen dahil alam naman nila ang katotohanan.

Ang hinihintay ngayon ay kung magpo-propose na rin si Paolo kay Yen.

Nanay ni Moira, damay na!

Mabilis ang sagot ni Lolito Go kay Moira na bumuwelta sa mga naunang sinabi ng composer / ghostwriter. Marami raw siyang hawak na resibo.

Pati ang message ng mother ni Moira ay inilabas nito at sinagot ng “You are insisting na mag-ghostwriter. Hindi po insisting. Suggesting. There had been prior talks and I “might have” initiated the idea of ghostwriting. Kasi nga po, hindi nya na ako nababayaran, hindi pa nakecredit. I only suggested that once. Then after a while, sya na itong nag-alok. Wala sya idea magkano iaalok sa akin. May tawarang naganap.

2. Sa issue ng pangungutang.

It breaks my heart na kelangan ko pa humiram sa kanya. Multiple times. Multiple times ding denied. There was only one instance na nagrant nya. When I was about to pay, she insisted na wag ko na bayaran. Tita Raquel, hindi nya po ako nabayaran sa song na Pahinga. She used that song sa Braver tour. Pati sa concerts abroad. Malaki kinita ng Patawad Album. Pero wala man lang binigay sa akin kahit yung tinatawag na mechanical royalty.

 “Kahit umabot po sa demandahan, mapaninindigan ko ang laban na to. Nung kasagsagan ng campaign, nagpagawa sya ng song sa akin for Leni. Parang umorder lang ng pansit. She tweaked a few lines tas 50-50 na kami. Akin ang words at music! Sa mga stage binanggit nya na it is an original song, pero walang banggit sa akin. She posted it twice sa official fan page nya, nakalagay pangalan nya lang. Tinatamad sya ilagay name ko? I gave her the benefit of a doubt. Palagi! Pinagtatanggol ko pa yan sa asawa ko. “Wag kang jugmental kay Moi!” (Libertine will speak up soon.)

“When the song was finally uploaded in Spotify, nagulat ako dahil wala pa rin ang name ko. Then she said, OMG KUYA THAT’S NOT WHAT I SUBMITTED.”

May nauna pa siyang post na “Deactivated na ang account. Wala na yung name. But the truth can never be deactivated.

“P.S. Nowhere in my post did I say a ghostwriter was “employed.” The operative term I used was “offered.

“More resibos to follow.”

Talagang damay ang maraming netizens sa kanilang mga hanash.

Misha de Leon ng Idol PH S2, naglabas ng debut single

Naglunsad na ng kanyang debut single na Damdamin ang dating Idol Philippines season 2 contestant na si Misha de Leon.

Tungkol ang kanta sa pinagdaraanan ng matalik na magkaibigan na humaharap sa pagsubok ng pag-ibig. Si Jungee Marcelo ang sumulat at nagprodyus ng kanta.

“The song ‘Damdamin’ really hits me right in the feels, you know? It’s a groovy song that depicts a person who isn’t ready for a romantic relationship with someone, and it makes me imagine the emotions of that person who rejected the one who confessed their feelings,” kwento ni Misha.

Tulad ng ibang kabataan, naranasan na rin niya ang malagay sa parehong sitwasyon tulad ng nakapaloob sa Damdamin. “It was quite a rollercoaster, filled with ups and downs. However, I believe in the importance of timing,” diin niya. “I believe this track would resonate with a lot of people, especially young adults o kabataan na hindi pa ready para sa isang relationship.”

Pagkatapos ng kanyang stint sa Idol PH, excited na ang baguhang Kapamilya singer na magkaroon ng sarili niyang musika.

Aniya, meron siyang ‘melting pot of inspiration’ mula sa iba’t ibang musical influences.

“From the soulful sounds of Amy Winehouse and Kz Tandingan, to the electrifying beats of BTS and Arctic Monkeys, and even the timeless classics of Adele and Rihanna, my musical taste is diverse. I’m always open to exploring different styles and vibes to help me learn more about my own style and genre,” pagbabahagi ng bagong Star Pop artist.

vuukle comment

LJ REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with