^

Pang Movies

LJ, engaged na!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
LJ, engaged na!             
LJ and Philip

Hindi na tsismis lang dahil mismong si LJ Reyes ang nag-post sa kanyang social media account na siya nga ay engaged na sa kanyang boyfriend na si Philip Evangelista. Dahil engaged na, ibig lang sabihin noon ay malapit na silang magpakasal.

Nasa US ngayon si LJ dahil doon siya nagtungo matapos na makipaghiwalay kay Paolo Contis, kasama ang dalawa niyang anak.

Ang panganay niyang si Aki ay anak niya kay Paulo Avelino, at ang bunso naman na si Summer ay naging anak niya sa naka-live in ding si Paolo Contis.

Suwerte pa rin si LJ dahil ngayon ay makakasal na siya. Wala siyang ibinigay na detalye tungkol kay Philip, kung iyon ba ay isang American citizen o ano, subalit sa pangalan ay alam mong dugong Pilipino pa rin.

Hindi na rin naman nagkuwento si LJ kung papaano sila nagkakilala ni Philip at kung gaano katagal ang kanilang naging ligawan, basta ang mahalaga ay masaya sila ngayon at siguro naman dahil sa kanyang naging karanasan noong una, talagang pinag-aralan na ni LJ ng kanyang bagong relasyon bago dumating sa proposal.

Maging masaya na lang dapat ang lahat para kay LJ.

Mabait na bata naman iyan pero alam natin ang naging karanasan niya sa kanyang lovelife na hindi naman talaga maganda, mukhang tama nga yata ang naging diskarte niyang umibang lugar muna.

David at Jak, pinatunayang walang away

Hindi lang nagbatian, nagyakapan pa raw sina David Licauco at Jak Roberto nang magkita ang dalawa sa airport, galing kasi sa Korea si David kasama ang syota ni Jak na si Barbie Forteza dahil sa isang project.

Sinundo ni Jak si Barbie sa airport kaya nagkita rin sila ni David.

Ok sina David at Jak, at hindi totoong nagkakaroon sila ng iringan.

Sinabihan din diumano ng network si Jak na huwag munang maging masyadong visible na kasama si Barbie. Pumayag naman daw si Jak dahil makakatanggi ba naman siya sa network eh tagaroon din siya. ‘Pag ‘di siya sumunod ‘di naipit naman ang kanyang career. Basta ang maganda walang samaan ng loob sa kanilang sitwasyon.

Teejay Marquez, planong kasuhan ang bading na pinagkakalat na may utang siyang P10M!

Nagpadala ng screenshot ng isang message si Teejay Marquez at sinabing ayaw siyang tigilan talaga ng baklang nurse na nagtatrabaho sa London. Obsessed yata ang bading na nurse kay Teejay na nakilala niya noong araw pa.

Si Teejay naman kasi talagang friendly kaya siguro ang akala naman ng bading ay payag iyon sa mga advances niya. Marami na ring tsismis na ikinakalat ang bading laban kay Teejay, minsan sa isang podcast ni DJ Mo, ay nagkuwento pa iyon ng kanila raw naging pagse-sex, at sinabi pang may utang na sampung milyon si Teejay sa kanya.

Sinabi ni Teejay na nang minsan daw napag-usapan nila na gusto niyang mag-breed ng corgis ay nagsabing tutulong ang bading. Bumili nga raw iyon ng isang breeder at ibinigay kay Teejay. Ang halaga ng breeder ayon sa resibo ay P70,000. Iyon ang sinasabi ni Teejay na tanging utang niya sa nurse na bading na ang usapan babayaran niya oras na manganak na ang aso at naibenta na. Handa naman si Teejay na bayaran iyon, pero ayaw tanggapin ng bading ang bayad at ang gusto ay makipagrelasyon sa kanya si Teejay.

“Sinabi ko naman sa kanya na hindi ko ginagawa iyon. Ayokong magsalita nang tapos pero sa ngayon hindi ko pa nagagawa iyon dahil hindi pa ako handa para sa ganoon. Pero kung anu-ano na ang sinasabi niya na actually puro na paninirang puri. Balak ko oras na umuwi siya rito sasampahan ko siya ng demanda, sobra na ang ipinagkakalat niya sa social media,” sabi ng galit na ring si Teejay.

vuukle comment

LJ REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with